Willie Revillame, iniabot ang P3M na tulong kay Leni Robredo para sa mga nasalanta ng bagyo

Willie Revillame, iniabot ang P3M na tulong kay Leni Robredo para sa mga nasalanta ng bagyo

- Personal na iniabot ni Willie Revillame ang P3-milyong donasyon kay dating bise presidente Atty. Leni Robredo at Rep. Gabriel Bordado Jr. para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Camarines Sur ngayong Oktubre 26

- Nagpasalamat si Robredo kay Revillame sa kusang-loob na pagbisita at pagbibigay ng malaking tulong para sa mga biktima ng kalamidad

- Sinabi ni Revillame na dapat tulungan ang mga lugar na nakararanas ng mga kalamidad at nangangailangan ng suporta

- Inaasahang makatutulong ang donasyon upang mabilis na makabangon ang mga komunidad na naapektuhan ng bagyo sa Camarines Sur

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ngayong Sabado, Oktubre 26, personal na nagpunta si Willie Revillame sa Camarines Sur upang iabot ang kanyang P3-milyong donasyon kay dating bise presidente Atty. Leni Robredo at 3rd District Camarines Sur Representative Gabriel Bordado Jr. Ang naturang donasyon ay para sa mga nasalanta ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa nasabing probinsya.

Read also

Rosmar Tan, binebenta ang luxury car para madagdag sa ipapamigay na tulong

Willie Revillame, iniabot ang P3M na tulong kay Leni Robredo para sa mga nasalanta ng bagyo
Willie Revillame, iniabot ang P3M na tulong kay Leni Robredo para sa mga nasalanta ng bagyo
Source: Facebook

"Nagpapasalamat po tayo kay Willie Revillame na kusang-loob na pumunta sa atin at nagbigay ng very generous na donasyon para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo," pahayag ni Atty. Robredo, na labis na nagpasalamat sa tulong ng beteranong TV host.

Ayon kay Revillame, nararapat na tulungan ang mga lugar na nakararanas ng kalamidad. "Kahit naman saang lugar na mayroong mga kalamidad ay dapat tulungan," ani Revillame, ipinapakita ang kanyang malasakit at dedikasyon sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Ang donasyon ni Revillame ay isang malaking tulong upang muling makabangon ang mga nasalanta at muling maibalik ang pag-asa ng mga komunidad sa Camarines Sur.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

Gov. Luigi Villafuerte, nagsalita sa umano'y 'bakasyon' sa Siargao

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, binalikan umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon kaugnay sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ni Willie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate