Nagdadalamhating ina, humihingi ng tulong matapos ang trahedyang kinasangkutan ng 3 anak

Nagdadalamhating ina, humihingi ng tulong matapos ang trahedyang kinasangkutan ng 3 anak

- Usap-usapan sa social media ang Facebook post ni Myla Santillana matapos pumanaw ang tatlong anak niya

- Ang tatlong bata ay nasangkot sa isang aksidente sa motorsiklo noong Oktubre 19, 2024

- Kritikal ang kondisyon ng ama nilang si Michael habang ang bunsong anak na si Liway ay nakaligtas

- Nanawagan ng pinansyal na tulong ang pamilya Santillana para sa kanilang hospital bills at iba pang gastusin

Usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ng isang inang nagdadalamhati matapos sabay-sabay na pumanaw ang kaniyang tatlong anak. Sa post ni Myla Santillana noong Oktubre 20, 2024, ibinahagi niya ang masakit na pangyayari na bumago sa kanilang pamilya.

Nagdadalamhating ina, humihingi ng tulong matapos ang trahedyang kinasangkutan ng 3 anak
Nagdadalamhating ina, humihingi ng tulong matapos ang trahedyang kinasangkutan ng 3 anak
Source: Facebook

Kalakip ng post ang isang larawan ng kaniyang mga anak, at makikita ang matinding dalamhati ng ina sa mga salitang, “Patawarin ninyo sana si Mama sa lahat lahat mga anak ko. Walang kasing sakit. Mahal na mahal ko kayo,” na nagpaantig ng damdamin ng libo-libong netizens. Umabot na sa 10,000 shares ang nasabing post, bagama't hindi pa inihahayag ni Santillana ang detalye ng dahilan ng kanilang pagpanaw.

Read also

Gina Pareño, may hiling sa kanyang birthday: "Sana maalala nila ako"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bago ito, nagbahagi rin si Santillana ng magkakasunod na mga post tungkol sa kaniyang nararamdamang paghihinagpis, kabilang ang pahayag na, “Malupit ang Diyos niyo, sobrang lupit!” Dagdag pa niya, “Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang sakit. Walang kasing sakit. Durog na durog ako. Bakit mga anak ko?”

Isang post naman mula kay Shara Maling, pinsan ni Santillana, ang nagpakilala ng mga pangyayari sa pamilya. Ayon kay Maling, noong Oktubre 19, 2024, bandang alas-11 ng gabi, habang pauwi mula sa isang 40-day memorial service, sakay ng tricycle ang tatlong anak ni Santillana na sina Bunjoy (10), KL (6), at Mikmik (2), kasama ang kanilang ama na si Michael, nang mabangga sila ng isa pang motorsiklo. Dahil sa tindi ng aksidente, sina Bunjoy, KL, at Mikmik ay pumanaw, habang si Liway (3) lamang ang nakaligtas.

Read also

Charo Santos, opisyal nang Philippine Air Force (PAF) reservist

Ang ama ng mga bata, si Michael, ay kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon at hindi pa nagigising matapos ang aksidente.

Kaugnay ng trahedyang ito, nananawagan si Maling ng pinansyal na tulong para sa pamilya Santillana. “The tremendous grief their family is going through is unexplainable, and we are knocking at your generous hearts to help their family pay for the piling medical expenses,” dagdag niya.

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio. Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate