Menor de edad, patay matapos niyang umawat lang sa gulo

Menor de edad, patay matapos niyang umawat lang sa gulo

- Dalawa ang patay, kabilang ang isang 16-anyos na babae, sa insidente ng pananaksak sa Tondo

- Bumaba mula sa motor ang suspek at sinaksak ang apat na tao gamit ang balisong

- Nag-ugat ang insidente sa isang away matapos mabastos ng suspek ang ilang babaeng bisita sa isang birthday party

- Agad na nahuli ang suspek matapos ang pananaksak at patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Dalawa ang patay, kabilang ang isang 16-anyos na babae, habang dalawang iba pa ang sugatan matapos ang insidente ng pananaksak sa Infanta Street, Balut, Tondo, Maynila nitong Lunes.

Menor de edad, patay matapos niyang umawat lang sa gulo
Menor de edad, patay matapos niyang umawat lang sa gulo
Source: Facebook

Ayon sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita, nakita sa kuha ng CCTV ang isang lalaking bumaba mula sa motorsiklo at nilapitan ang isa pang lalaki. Ilang sandali pa, nagkagulo nang may ibang tao, kabilang ang 16-anyos na babae, na sinubukang umawat sa away.

Read also

Charo Santos, opisyal nang Philippine Air Force (PAF) reservist

Hindi nakuhanan ng CCTV ang mismong pananaksak, ngunit ayon sa pulisya, may dalang balisong ang lalaking bumaba sa motor at ginamit niya ito habang nagkakagulo. Apat ang nasaksak sa insidente at dalawa ang agad na nasawi — isang 21-anyos na lalaki at ang 16-anyos na babaeng nagtangkang umawat.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang gulo sa isang birthday party kung saan nag-away ang suspek at isa sa mga biktima. Nakainom umano ang suspek at binastos ang ilang babaeng bisita, kabilang ang kasintahan ng biktima.

Nakauwi na raw ang biktima ngunit sinundan siya ng suspek, at doon na naganap ang pananaksak. Nahuli agad ang suspek matapos ang insidente. Ayon sa kanya, kakausapin lang niya ang lalaki ngunit sinuntok siya nito, kaya't napilitan siyang maglabas ng patalim. Sinabi pa ng suspek na kinuyog siya ng ibang tao at muling binugbog sa barangay hall matapos siyang madala doon.

Read also

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang Lulu, next target daw ang isa pang pinagkakautangan

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate