Policewoman, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang laundry shop sa Kidapawan City

Policewoman, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang laundry shop sa Kidapawan City

- Isang policewoman na may ranggong corporal ang napatay sa loob ng kanyang laundry shop sa Kidapawan City

- Kinilala ang biktima na si Police Corporal Rolinda Nono Tabamo, na may kaso ng absence without leave (AWOL)

- Binaril sa ulo ng hindi pa kilalang lalaki si Tabamo habang nasa Datu Ingkal Street nitong Biyernes, October 18, 2024

- Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang salarin at masampahan ng kaso

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang policewoman na may ranggong corporal ang napatay nitong Biyernes ng gabi, October 18, 2024, sa Kidapawan City, kabisera ng Cotabato Province. Ayon sa inisyal na ulat ng Police Regional Office-12, kinilala ang biktima na si Police Corporal Rolinda Nono Tabamo, na huling na-destino sa Tantangan Municipal Police Station sa South Cotabato. Si Tabamo ay binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek habang nasa loob ng kanyang commercial laundry shop sa Datu Ingkal Street sa Kidapawan City.

Read also

3 menor-de-edad na estudyante, patay matapos tamaan ng kidlat sa Zamboanga del Sur

Policewoman, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang laundry shop sa Kidapawan City
Policewoman, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang laundry shop sa Kidapawan City
Source: Facebook

Ayon sa mga kasama ni Tabamo sa pulisya, matagal na umano itong hindi pumapasok sa trabaho at kasalukuyang may kinakaharap na administrative case dahil sa kanyang absence without leave (AWOL). Bagamat hindi malinaw ang motibo sa pamamaril, ang mga imbestigador ng Kidapawan City Police Office, katuwang ang mga opisyal ng barangay at lungsod, ay nagsusumikap upang matukoy ang pagkakakilanlan ng pumatay kay Tabamo at masampahan ito ng kaukulang kaso.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente, at umaasa ang mga awtoridad na sa tulong ng mga lokal na opisyal at saksi ay mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima. Ang kaso ni Tabamo ay isa sa mga krimen na patuloy na tinututukan ng mga awtoridad sa Kidapawan City.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli..

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate