Pamilya ng pinaslang na mag-asawang Lulu, nakakatanggap daw ng pagbabanta

Pamilya ng pinaslang na mag-asawang Lulu, nakakatanggap daw ng pagbabanta

- Matapos ang pagkakahuli ng mga suspek sa pamamaslang sa mag-asawang Lulu, kinumusta ng Raffy Tulfo in Action ang naulilang pamilya

- Inihayag ng pamilya ang kanilang pasasalamat sa masigasig at mabilis na aksiyon ng otoridad para sa hustisyang kanilang hinahangad

- Nabanggit din ng kapatid ng biktima na nakatanggap ng pagbabanta ang kanilang pamilya

- Kaya naman sinigurado ng RTIA na mabantayan ang kaligtasan ng naulilang pamilya at matulungan ang anak na mag-asawa na naulila at nakasaksi sa pagbaril sa kanyang mga magulang

Matapos mahuli ang mga suspek sa pamamaslang ng mag-asawang Lulu, kinumusta ng programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang kalagayan ng naulilang pamilya. Sa kanilang panayam, inihayag ng pamilya ang pasasalamat sa mabilis at masigasig na aksyon ng mga otoridad sa pagsugpo sa krimen at pagtulong na makamit ang hustisya para sa kanilang mahal sa buhay.

Read also

CEO ng skin care products sa umano'y mga mastermind: "Nakilamay pa kayo!"

Pamilya ng pinaslang na mag-asawang Lulu, nakakatanggap daw ng pagbabanta
Pamilya ng pinaslang na mag-asawang Lulu, nakakatanggap daw ng pagbabanta
Source: Youtube

Gayunpaman, sa gitna ng kanilang pagluluksa, ibinahagi ng kapatid ng biktima na kasalukuyang nakakatanggap ng mga pagbabanta ang kanilang pamilya. Nagdudulot ito ng matinding pangamba sa kanilang seguridad, lalo na para sa mga naiwan ng mag-asawang nasawi.

Bilang tugon, sinigurado ng RTIA ang pagbibigay ng suporta at pag-monitor sa kaligtasan ng pamilya. Nangako rin ang programa na tutulungan ang naulilang anak ng mag-asawa, na siya ring saksi sa madugong pangyayari, upang masiguro ang kanyang kapakanan at proteksyon sa kabila ng kinakaharap nilang trahedya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa kuha ng CCTV, makikita ang riding in tandem na nakasunod sa sasakyan ng mag-asawang Lerma “Mommy Lerms” Lulu at Arvin Lulu. Sila ang mag-asawang negosyante na binaril sa Mexico, Pampanga. Ayon sa ulat ng GMA news, naroroon din ang anak nila at pinsan nito pero nakaligtas sila ngunit traumatized ang mga ito. Hustisya ang patuloy na hinihiling ng naulilang kaanak ng mag-asawa.

Matatandaang ipinahayag ni Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo na magbibigay siya ng gantimpalang P100,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa pag-aresto sa mga pumatay sa kilalang online seller na si Lerms Lulu at asawa niyang si Arvin sa Mexico, Pampanga, kamakailan. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Garbo na siya ay nakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng mag-asawang Lulu, na mga residente ng Mabalacat City.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate