Tseke na binayad kay Lerma Lulu, kabilang sa nakumpiska ng pulis sa mga suspek

Tseke na binayad kay Lerma Lulu, kabilang sa nakumpiska ng pulis sa mga suspek

- Kabilang sa nakuha sa mga suspek sa pamamaslang sa mag-asawang online seller ay ang tseke na nakapangalan kay Lerma Lulu

- Ayon sa otoridad, talbog umano ito na tseke na pinakuha ng mastermind sa pamamaslang sa mag-asawa

- Nauna daw binalak na pasukin na lamang sa bahay nila ang mag-asawang Lulu para makuha an tseke pero hindi ito natupad kaya nag-isip sila ng ibang paraan at ito nga ay ang pananambang at pagpaslang sa mag-asawa

- Bukod sa tseke, nakumpiska din ang 9mm pistols, five caliber .45 pistols, isang .22 caliber rifle, isang air gun at mga ID

Nakumpiska ng mga pulis ang isang tseke na nakapangalan kay Lerma Lulu mula sa mga suspek sa karumal-dumal na pamamaslang sa mag-asawang online seller. Sa pagprisinta ng pulisya sa mga suspek, kabilang ang naturang tseke na umano ay pinakuha ng tinuturing na mastermind sa kaso at natuklasang talbog pala ito.

Read also

Mister, hinampas dumbbell ng misis habang nagpapahinga; patay

Tseke na binayad kay Lerma Lulu, kabilang sa nakumpiska ng pulis sa mga suspek
Tseke na binayad kay Lerma Lulu, kabilang sa nakumpiska ng pulis sa mga suspek
Source: Facebook

Unang pinlano ng mga suspek na pasukin ang tahanan ng mag-asawa upang makuha ang tseke. Gayunpaman, hindi ito naisakatuparan, kaya’t nagbago sila ng plano at nagdesisyong tambangan at paslangin ang mag-asawa.

Bukod sa tseke, nakarekober ang pulisya ng iba’t ibang armas mula sa mga suspek. Kabilang dito ang mga 9mm pistols, limang caliber .45 pistols, isang .22 caliber rifle, isang air gun, at mga ID na maaaring ginagamit sa kanilang mga operasyon. Patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso upang matukoy ang kabuuang saklaw ng krimen at ang pagkakakilanlan ng mastermind na responsable sa pamamaslang sa mag-asawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang insidente ay nagdulot ng matinding takot sa komunidad ng mga online seller, na nananawagan ng hustisya para sa mag-asawang biktima.

Matatandaang Sa kuha ng CCTV, makikita ang riding in tandem na nakasunod sa sasakyan ng mag-asawang Lerma “Mommy Lerms” Lulu at Arvin Lulu. Sila ang mag-asawang negosyante na binaril sa Mexico, Pampanga. Ayon sa ulat ng GMA news, naroroon din ang anak nila at pinsan nito pero nakaligtas sila ngunit traumatized ang mga ito. Hustisya ang patuloy na hinihiling ng naulilang kaanak ng mag-asawa.

Matatandaang ipinahayag ni Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo na magbibigay siya ng gantimpalang P100,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa pag-aresto sa mga pumatay sa kilalang online seller na si Lerms Lulu at asawa niyang si Arvin sa Mexico, Pampanga, kamakailan. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Garbo na siya ay nakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng mag-asawang Lulu, na mga residente ng Mabalacat City.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate