Jay Manalo, masaya umano sa pagkikita ng half-brother niya at ina nito

Jay Manalo, masaya umano sa pagkikita ng half-brother niya at ina nito

- Masaya umano si Jay Manalo para sa half-brother niyang si Julius

- Ito ay matapos na mahanap nito ang kanyang ina na isa umanong Korean

- Half brother ni Jay si Julius at at ang aktor ang umalalay sa kapatid nang makabalik ito sa Pilipinas

- Hindi rin nalalayo ang kwento ni Julius sa kanyang kuya na si Jay na nakilala naman ang kanyang Vietnamese mother noong 1995

Masaya umano ang aktor na si Jay Manalo sa pagkikita ng kanyang half-brother nitong si Julius at ang ina nito.

Jay Manalo, masaya umano sa pagkikita ng half-brother niya at ina nito (@julioenforcer/ @jay_trenta)
Jay Manalo, masaya umano sa pagkikita ng half-brother niya at ina nito (@julioenforcer/ @jay_trenta)
Source: Instagram

Matatandaang matapos na maipalabas sa isang Korean TV show ang pagtatagpo ni Julius at kanyang ina, marami ang naantig sa kanilang kwento na nagdala ng inspirasyon lalo na sa mga taong nawalay din sa kanilang mga magulang sa matagal na panahon.

Sa panayam ng PEP kay Jay, nasabi nito ang kanyang saloobin sa muling pagkikita ng kanyang kapatid at ang ina nito.

Read also

Mister, hinampas dumbbell ng misis habang nagpapahinga; patay

"I am very happy na nagkita na rin sila ng nanay niya," ani Jay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin umano nalalayo ang kwento ni Jay sa kanyang kapatid. Taong 1995, nang makasama muli ni Jay ang kanyang ina na isang Vietnamese.

Marami rin ang napaluha noon ni Jay sa pagkikita nila ng kanyang ina na nanatili noon sa Amerika kung nasaan ang pamilya nito.

Samantala, sa panayam ni Jessica Soho kay Julius, nabanggit nito ang tulong na ibinigay sa kanya ng kanyang kuya. Ito umano ang sumuporta sa kanya dahilan para itigil na rin niya noon ang paglalako sa lansangan ng mga basahan.

Narito ang kabuuan ng episode ng panayam ni Jessica Soho kay Julius:

Si Julius Manalo ay isang pulis sa Maynila na umantig sa puso ng marami kamakailan matapos na ipalabas sa isang Korean show ang pagkikita nila muli ng kanyang ina matapos ang 31 na taon.

Read also

Manliligaw ni Fyang, nagpost matapos ang pagsabi nyang ititigil nya na ang panliligaw sa dalaga

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nilinaw ni Julius na sa loob ng 31 taon na hindi niya nakasama ang ina ay patuloy niya itong hinanap kung may pagkakataon. Katunayan, isa na rito ay nang pagamitin siya ng kanyang kuya na si Jay Manalo ng computer na may internet sa unang pagkakataon. Hindi niya sinayang ang pagkakataon na hanapin ang kanyang ina.

Hanggang sa nagkaroon na siya ng sariling pamilya. Isang Korean ang nag-install ng water equipment sa kanilang bahay ang nakapansin sa anak ni Julius na aniya'y mukha umanong Korean. Doon nasabi ng kanyang biyenan na may lahi nga umanong Korean ang bata. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na makita at makausap na ng installer na ito si Julius. Ito na ang nagmistulang anghel sa kanya na siyang naging daan para maipadala sa 'Mommy's Spring Day' ang kwento ni Julius. Ang nasabing programa ang nakatulong sa kanya upang tuluyan na niyang mahanap ang kanyang ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica