Toni Gonzaga, emosyonal sa kwento ni Julius Manalo ukol sa inang hinanap sa loob ng 31 taon
- Hindi napigilang maluha ni Toni Gonzaga sa kwento ng panauhin niyang si Julius Manalo
- Lalo na bahaging inamin nito ang sama ng loob noon sa ina
- Halos hindi raw niya talaga maisulat ang middle name o middle initial sa hindi maitagong nararamdaman sa ina
- Subalit makalipas ang 31 na taon sa tulong umano ng tinatawag niyang "angel" nagkita na muli sila ng kanyang inang Korean
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Maging si Toni Gonzaga ay naluha nang magkwento ang panauhin niyang si Julius Manalo patungkol sa kanyang inang Korean na nawalay sa kanya sa loob ng 31 na taon.
Sa pinakabagong episode ng Toni Talks, naidetalye ni Julius na kapatid umano ng aktor na si Jay Manalo kung paanong tila himala na nakita pa rin niya ang inag makalipas ang tatlong dekada.
Subalit dahil sa tagal ng panahon at sa hindi rin magandang alaala kung paano sila naghiwalay, hiaminado si Julius na nakaramdam siya ng sama ng loob sa kanyang ina.
Dumating sa punto na hindi siya umano nagsusulat ng middle name o middle initial na nagpapaalala lamang sa kanya ng kanyang ina.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Every time na susulat ko 'yun, alam kong nanay ko 'yun so, 'wag ko nalang isulat. Gusto ko nalang kalimutan," pagbabalik-tanaw ni Julius.
Doon, hindi na rin napigilan pang maluha ni Toni na ramdam umano ang sakit bilang isang ina.
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Toni Gonzaga Studio:
Isa ang Toni Talks ni Toni Gonzaga sa mga pinakaaabangang episode linggo-linggo na mapapanood sa YouTube. Ito ay dahil umano sa inspirasyong hatid nito sa kanyang mga manonood.
Matatandaang nagpaluha sa marami ang panayam niya kay Joel Regal, ang ama ng triplets na namatayan ng ina pagkapanganak. Doon inilahad ni Joel paano niya naitataguyod ang mga anak kahit wala na ang kanyang katuwang.
Gayundin ang kwento ng isang single mother na si Lorelei Go nasunod-sunod na namatayan umano ng tatlong mga anak dahil sa parehong sakit na liver cancer.Kinumusta ni Toni si Lorelei na kamangha-manghang patuloy na lumalaban sa buhay sa kabila ng sinapit ng mga anak na hiling niyang kapiling pa sana niya hanggang ngayon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh