Lolo na nag-viral dahil sa pagsali sa marathon gamit ang sirang sapatos, inulan ng biyaya

Lolo na nag-viral dahil sa pagsali sa marathon gamit ang sirang sapatos, inulan ng biyaya

- Nag-viral ang isang lolo sa Bohol nang sumali ito sa marathon gamit ang sira-sirang sapatos

- Marami ang naantig ang puso sa sitwasyon ni lolo at mas lalong marami ang na-inspire sa kanya

- Dahil dito, marami rin ang nagpadala sa kanya ng mga running shoes at ang iba ay sinadya pa siya para personal na maiabot ito

- Subalit may iba umanong balak ang lolo sa mga natanggap niyang biyaya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inspirasyon ang hatid ng 75-anyos na si Queruben Abella matapos mag-viral ng kanyang mga larawan nang siya'y sumali sa isang marathon sa Bohol kamakailan.

Lolo na nag-viral dahil sa pagsali sa marathon gamit ang sirang sapatos, inulan ng biyaya
Lolo na nag-viral dahil sa pagsali sa marathon gamit ang sirang sapatos, inulan ng biyaya (Stefners Photography/ ABS-CBN News)
Source: Facebook

ASa mga larawang ibinahagi ng Stefners Photography, kapansin-pansin din ang sapatos na suot ni Lolo Queruben na sira-sira na.

Ayon sa ABS-CBN, wala naman umanong angal ang matanda sa kanyang sapatos kung saan komportable siyang gamitin lalo na kung sakaling pasukan ng tubig ito ay madali umanong makalalabas.

Read also

Roxanne Ginoo, alagang-alaga ang amang nagkaroon ng cellulitis

Gayunpaman, dinagsa pa rin siya ng biyaya kung saan marami ang nagpadala umano ng bagong pares ng running shoes sa kanya habang ang iba ay personal pa itong inihatid sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon naman kay Lolo Queruben, naisipan niyang ibahagi ang ibang mga sapatos niyang natanggap sa mga batang runners na kanyang sinasanay.

Dahil dito, mas lalong dumami ang bumilib kay Lolo Queruben na magsilbing magandang halimbawa sa marami.

Isa rin sa mga pumukaw sa puso ng netizens ang mga larawan ng isang staff ng sikat na fast food chain kung saan nagbigay ito ng hindi inaasahang tulong sa isang lolo na nagugutom. Tubig lamang umano ang hiningi ng lolo subalit nang pamansin ng staff na gutom ang matanda, pinakain niya ito ng maayos.

Naging agaw-eksena rin online ang talaga namang nakakaantig pusong video ng isang lolo na lakas-loob kumanta sa isang mall upang haranahin ang misis niyang nasa wheelchair. Marami ang kinilig ngunit mas marami ang umano'y humanga sa matatag at subok nang pagsasama at relasyon ng nasabing lolo at lola. Kahanga-hanga rin ang ganda ng boses ng lolo kaya naman umani rin talaga ito ng papuri sa kinanta nitong 'Through the Years' na awitin ni Kenny Rogers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica