Mangingisda, 46 na araw na nagpalutang-lutang sa Karagatang Pasipiko bago na-rescue
- Nasagip ng Philippine Coast Guard ang mangingisdang si Robin Dejillo mula Infanta, Quezon matapos ang 46 na araw na pagpalutang-lutang sa dagat sa sakop ng Batanes
- Nakaligtas si Dejillo sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig-ulan at pagkain ng mga natagpuang niyog sa dagat
- Natagpuan si Dejillo ng PCG noong Setyembre 19, nasa 15 kilometro mula sa dalampasigan ng Batan Island
- Dinala si Dejillo sa Batanes General Hospital para sa pagsusuri at planong ibiyahe pauwi sa Infanta, Quezon kapag maayos na ang kanyang kalagayan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang mangingisda mula sa Infanta, Quezon ang matagumpay na nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos ang 46 na araw na pagpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Batanes. Kinilala ang mangingisda na si Robin Dejillo, 49-anyos, na nakaligtas sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig-ulan at pagkain ng mga niyog na natagpuan niya sa dagat.
Ayon sa ulat ng GMA Regional TV News, natagpuan si Dejillo noong Setyembre 19, nasa 15 kilometro ang layo mula sa dalampasigan ng Batan Island. Noong Agosto 4, nawalan ng krudo ang bangka ni Dejillo at hindi nakabalik sa kanyang mother boat, dahilan para tangayin siya ng alon sa malalayong bahagi ng dagat.
Pahayag ng PCG, “He survived for more than a month at sea by drinking rainwater and eating fish,” dagdag pa nila na niyog ang isa sa nakatulong sa kanyang kaligtasan. Inihatid ng PCG ang bangka ni Dejillo sa Basco port, kung saan agad siyang dinala sa Batanes General Hospital upang masuri ang kanyang kalusugan.
Kapag naging maayos na ang kanyang kondisyon, nakatakdang ibiyahe ng Coast Guard pauwi si Dejillo sa Infanta, Quezon upang makasama muli ang kanyang pamilya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.
Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.
Source: KAMI.com.gh