Mura, naipagpatuloy ang pagpapagawa ng bahay sa tulong ng isang vlogger
- Isang vlogger ang kasalukuyang tumutulong ngayon kay Mura
- Ito ay upang matapos na umano ang pabahay niya na hindi maituly dahil sa problemang pinansyal
- Mula sa pagkakaroon na ng bubong, mayroon na ring flooring ang bahay ni Mura
- Matatandaang nasunog ang bahay ni Mura sa Bicol kung saan siya naglalagi kaya nagpagawa ito ng bago
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang vlogger ang sumadya sa kinaroroonan ni Mura upang tulungan itong maipagpatuloy ang pinatatayong bahay.
Nagpakilala itong si "Kuya Noli" na ang isa sa kanyang mga content ay ang pagtulong sa mga kapos-palad at maging sa pagpapagawa ng bahay. Katunayan, nasa 35 na raw umano ang kanyang natulungan.
Matatandaang kamakailan ay kinumusta ng isa pang vlogger na si Virgelyncares si Mura kung saan nakitang hirap muli ito sa buhay lalo na sa pagpapatapos ng kanyang pinagagawang bahay.
Nasunog kasi ang unang naipundar na bahay ni Mura sa Bicol kaya naman sa tulong ng mga nalikom na donasyon ng mga nagmalasakit, unti-unti siyang nakapagpatayo ng bagong tahanan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Subalit dahil hindi sapat ang nalikom, ilang buwan din itong natengga.
Sa ngayon, bukod sa may bubong na, may flooring na rin ito at susunod na umano ang palitada ayon na rin kay Kuya Noli na dala ang kanyang team upang matapos ang bahay ni Mura.
Si Allan Padua o mas kilala bilang si "Mura" ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan, isang noontime show sa ABS-CBN. Mas nakilala siya nang gawin siyang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.
Ilang linggo bago pumanaw ang kaibigang si Mahal ay nabisita pa siya nito sa Bicol para personal na kumustahin at bigyan ng tulong. Ito ay matapos na maibahagi ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng Virgelyncares 2.0 ang sitwasyon ni Mura sa Bicol.
Naging kontrobersyal kamakailan ang naging pahayag ni Mura sa kanyang Mama Virgelyn kung saan tahasang nasabi nito na hindi naman tataas ang views at subscribers nito kung hindi ito pumunta sa kanya. Gayunapman, nagkapatawaran ang dalawa ay sa ngayo'y patuloy pa rin silang may komunikasyon at nakapag-aabot pa rin ng tulong si Virgelyn kay Mura.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh