Mura, umano'y pinabayaan ng pamilya; muling tinulungan ni Virgelyncares

Mura, umano'y pinabayaan ng pamilya; muling tinulungan ni Virgelyncares

- Muling binisita ng vlogger na si Virgelyncares ang dating komedyanteng si Mura

- Doon nalaman niya ang kalagayan ni Mura na hirap nang gumalaw

- Kwento pa ni Mura, pinabayaan na umano siya ng kanyang mga kaanak nang di niya mapatapos ang ipinagagawang bahay

- Nagbigay muli ng tulong si Virgelyn at nanagawan naman ng para sa karagdagan si Mura

Binisita muli ng Bicolano vlogger na si Virgelyncares ang dating komedyante na si Mura.

Mura, umano'y pinabayaan ng pamilya; muling tinulungan ni Virgelyncares
Mura, umano'y pinabayaan ng pamilya; muling tinulungan ni Virgelyncares (Virgelyncares 2.0)
Source: Facebook

Sa bago niyang video, makikita si Mura na halos hindi na makagalaw sa kanyang kinatatayuan habang kinukumusta siya ng kanyang 'Mama Virgelyn.'

Iyon pala, nadumi na pala ito sa kanyang pang-ibaba dahil wala na umanong umaalalay sa kanya ngayong hirap na siyang gumalaw.

"Kapatid ko, pinabayaan na ako. Ganito na 'yung sitwasyon ko. Kaming dalawa ni Papa, pinabayaan na," naluluhang naikwento ni Mura.

Read also

Doc Willie Ong, muling nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga Filipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Nung may pera ako, ganon mabibilis silang kumilos. E ngayon, wala na akong pambayad sa kanila. Pinabayaan din kami," dagdag pa niya.

"Hindi ko na makilos yung katawan ko e. Hindi ko na magalaw masyado"

Makikita rin na naroon sila sa ipinagagawang bahay ni Mura na apat na buwan na umanong natengga dahil kinapos na siya ng pampagawa nito.

Ang pera kasing ipinampagawa niya nito ay mula sa mga pinagsama-samang tulong na kanyang natanggap lalo na at matatandaang nasunugan sila ng tahanan noong Mayo ng kasalukuyang taon.

Subalit hindi naging sapat ang nalikom niyang pera upang mapatapos ang bahay na kanyang ipinagawa.

Bagama't inabutan muli siya ng tulong ni Virgelyn, pinaalalahanan din nito si Mura lalo na at ilang netizens ang nagbigay ng komento ukol sa laki ng bahay na pinagagawa nito.

Read also

Sylvia Sanchez, excited na sa pagdating ng unang apo: "Anytime na eh"

Binigyan din ni Virgelyn ng pagkakataon si Mura na manawagan upang siya muli ay matulungan lalo na rin sa kanyang kalagayan.

Narito ang kabuuan ng naturang vlog:

Si Allan Padua o mas kilala bilang si "Mura" ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan, isang noontime show sa ABS-CBN. Mas nakilala siya nang gawin siyang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.

Ilang linggo bago pumanaw ang kaibigang si Mahal ay nabisita pa siya nito sa Bicol para personal na kumustahin at bigyan ng tulong. Ito ay matapos na maibahagi ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng Virgelyncares 2.0 ang sitwasyon ni Mura sa Bicol.

Naging kontrobersyal kamakailan ang naging pahayag ni Mura sa kanyang Mama Virgelyn kung saan tahasang nasabi nito na hindi naman tataas ang views at subscribers nito kung hindi ito pumunta sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: