Nawawalang college student, natagpuang naka-baon sa buhangin sa Lingayen, Pangasinan
- Natagpuan ang bangkay ng 20-taong gulang na si Evalend Salting na naka-baon sa buhangin sa Lingayen, Pangasinan
- Huling nakita si Salting sa CCTV noong gabi ng Setyembre 23, 2024, na umaalis sa kanyang apartment
- Natuklasan ng isang pamilya ang kanyang bangkay na may sugat sa ulo sa Barangay Poblacion
- Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at kinukuhanan ng pahayag ang tatlong tao, kabilang ang kanyang nobyo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Natagpuan ang bangkay ng isang 20-taong gulang na babae na nawawala sa baybayin ng Lingayen, Pangasinan. Sa ulat ng GMA Regional TV, nakilala ang biktima bilang si Evalend Salting, isang estudyante mula Anda, Pangasinan, na huling nakita sa CCTV noong gabi ng Setyembre 23, 2024, habang umaalis sa kanyang inuupahang apartment sa Lingayen.
Ayon kay Rea Bacarizas, tagapamahala ng gusali kung saan nakatira si Salting, “Nakikita namin sinusundo siya ng boyfriend niya, bumabalik naman siya ng before 10 p.m.”. Gayunpaman, hindi na muling nakita si Salting matapos ang gabing iyon.
Ang bangkay ni Salting ay nadiskubre ng isang pamilyang naglalakad sa dalampasigan sa Barangay Poblacion. Ayon sa ulat, may sugat sa ulo ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at hinihintay ang resulta ng autopsy upang matukoy kung may naganap na panghahalay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Tatlong tao, kabilang na ang nobyo ni Salting, ang kinukuhanan ng pahayag kaugnay ng insidente. “Kinukuhanan ng statement, ini-imbestigahan. Itinanggi niya pero hindi tayo nagtatapos doon,” pahayag ni PLTCOL. Amor Mio Somine ng Lingayen Police Station. Patuloy ding nire-review ng pulisya ang karagdagang CCTV footage para sa ikalilinaw ng kaso.
Matatandaang naging malaking balita din ang pagkawala ng isang beauty pageant contestant at kanyang fiance. Huling nakita sina Lopez, isang Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at ang kanyang Israeli boyfriend na si Cohen noong Hunyo 21. Bumiyahe ang dalawa mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga patungong Tarlac upang tingnan ang bibilhing lupa.
Sumuko ang driver ng dalawang pangunahing suspek sa pagpatay kina Geneva at Yitzhak ayon sa CIDG. Si "Jess" daw ang nagturo sa pulisya kung saan ibinaon ang mga bangkay ng mga biktima sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac. Kinumpirma ni Pampanga Governor Dennis Pineda ang pagkakakilanlan ng mga bangkay na natagpuan noong Sabado. Nasa kustodiya ng CIDG ang dalawang dating pulis na pangunahing suspek, isa rin sa kanila ay nahuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga baril.
Ayon sa kapatid ni Yitzhak, si Yaniv Cohen, nakausap pa ng kanilang kapatid na babae si Itzhak isang oras bago ito nawala. Sa isang panayam sa Ynet, sinabi ni Yaniv na pumunta si Yitzhak upang makipagkita sa isang taong kilala na niya ng ilang taon.
Source: KAMI.com.gh