Cassandra Li Ong, naging emosyonal sa pagdinig ng senado ukol sa illegal POGOs

Cassandra Li Ong, naging emosyonal sa pagdinig ng senado ukol sa illegal POGOs

- Naging emosyonal si Cassandra Li Ong sa pagdinig ng Senado tungkol sa illegal POGOs

- Ibinahagi ni Ong na si Duanren Wu, isang executive ng Whirlwind Corporation, ang tumayong tagapag-alaga niya

- Nagsilbing guardian ni Ong si Wu matapos pumanaw ang kanyang ina noong 2017

- Inilahad ni Ong na naging malaking bahagi si Wu ng kanyang buhay simula nang mawala ang kanyang ina

Naging emosyonal si Cassandra Li Ong sa ginanap na pagdinig ng Senado tungkol sa illegal POGOs nitong Martes. Sa kanyang salaysay, ibinahagi ni Ong ang matinding pinagdadaanan matapos mawalan ng ina noong 2017.

Cassandra Li Ong, naging emosyonal sa pagdinig ng senado ukol sa illegal POGOs
Cassandra Li Ong, naging emosyonal sa pagdinig ng senado ukol sa illegal POGOs (GMA Integrated News | YouTube)
Source: Youtube

“Siya po ‘yung tumayong parang parents ko na rin po. Pagpunta niya ng Pilipinas po kasi kakaalis lang po ng mom ko,” ani Ong, habang tinutukoy ang kanyang ninong na si Duanren Wu, isang executive ng Whirlwind Corporation.

Sa naturang pagdinig nauna siyang tinanong ni Sen. Win Gatchalian kung ano ang relasyon ni Duanren sa kanyang nanay. Ani Cassandra, mag-bestfriend daw sila. Kinuha na rin daw siya nitong ninong.

Read also

Amy Nobleza, nagtapos sa kolehiyo bilang Magna Cùm Laude; pinasalamatan si Vice Ganda

Habang binabanggit niya na si Duanren ang tumayong magulang niya ay makikitang pinipigilan niya ang iyak. Dahil dito ay tinanong siya ni Sen. Hontiveros kung bakit siya naiiyak. Nilinaw niyang kakamatay lang daw ng kanyang ina nang dumating si Duanren.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Katherine Cassandra Li Ong ay isang negosyanteng Pilipino na naging kasamahan ng Lucky South 99 Outsourcing, Inc., isang dating Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga, na iniimbestigahan ng mga awtoridad dahil sa mga ilegal na gawain sa loob ng kanilang compound. Siya ang nagsilbing "awtorisadong kinatawan" ng kumpanya nang kumuha ito ng lisensya sa operasyon mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong 2019.

Nag-post si Direk Erik Matti ng screenshot ng pagdinig sa senado kung saan sumasagot si Cassandra Ong ng mga tanong. Nainsulto ang direktor sa kung paano niya nagawang magpakulot at magpakulay ng buhok. Sinabi niya na dapat ay nakakulong pa si Cassandra sa Kongreso hanggang ngayon. Pagkatapos, tinanong niya kung paano ito nagawa, "Home service?"

Read also

Teacher na nag-viral matapos magkamali ng sagot sa "Throwbox," nagsalita na

Si Rep. Dan Fernandez, sa pagdinig ng Kamara na dinaluhan ni Cassandra Ong, ay nagtanong sa huli. Tinanong niya kung saang salon siya nagpunta o kung saan niya nakuha ang bagong kulot ng kanyang buhok. Sumagot si Cassandra na pareho pa rin ang kulay ng kanyang buhok at DIY lang ang mga kulot. Ang kanyang sagot ay nagdulot din ng mga reaksyon mula sa netizens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate