Doc Willie Ong, binahagi ang positibong naidulot ng pagkakasakit niya
- Ibinahagi ni Doc Willie Ong na may malaking bukol na 16 x 13 x 12 sentimetro na natagpuan sa kanyang abdomen
- Ang bukol ay isang bihirang uri ng kanser na tinatawag na sarcoma na natagpuan sa likod ng kanyang puso at harap ng spine
- Sa kabila ng kanyang kondisyon, nananatili siyang positibo at ipinahayag ang pagiging malapit sa kanyang pamilya
- Kilala si Ong bilang isang health advocate na may milyon-milyong tagasubaybay sa social media
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kilala bilang isang cardiologist at health advocate, ibinahagi ni Doc Willie Ong, na tumakbo bilang bise presidente noong Eleksyon 2022, ang laban niya sa kanser na kasalukuyan niyang pinagdadaanan. Sa isang video post sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Ong na mayroon siyang sarcoma, isang bihirang uri ng kanser na umabot sa laki ng 16 x 13 x 12 sentimetro, na matatagpuan sa kanyang abdomen.
Ayon kay Ong, ang bukol ay "nakatago" sa likod ng kanyang puso at nasa harapan ng kanyang spine. Ibinahagi rin niya na isa ito sa pinakamalalaking bukol na nakita ng kanyang mga doktor. "Isa sa pinakamalaki na nakita nila," aniya sa video na nairekord noong Agosto 29 mula sa kanyang kwarto sa ospital.
Sa kabila ng kanyang kalagayan, nananatili ang positibong pananaw ni Ong. "Malungkot ako? Hindi. Suwerte nga ako may asawa ako nagbabantay. Suwerte ako may mga anak ako... binabantayan ako. I'm so blessed," pahayag niya. Para kay Ong, bagama’t isang negatibong balita ang pagkakaroon ng bukol, naging positibo naman ang epekto nito sa kanyang pamilya, lalo na’t napalapit siya sa kanyang mga anak.
Matagal nang kilala si Ong sa pagbibigay ng mga payo ukol sa kalusugan at wellness sa kanyang milyon-milyong tagasubaybay sa YouTube at Facebook. Nitong 2022, siya ay naging runningmate ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa ilalim ng Aksyon Demokratiko party.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bagama’t dumadaan si Ong sa matinding hamon sa kanyang kalusugan, patuloy ang kanyang laban at pag-asa para sa positibong kinalabasan ng kanyang gamutan.
Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.
Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.
Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh