Mga magulang ng batang natagpuang walang buhay at sinilid sa sako, dumulog kay Raffy Tulfo

Mga magulang ng batang natagpuang walang buhay at sinilid sa sako, dumulog kay Raffy Tulfo

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang mag-asawa mula sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal

- Ito ay sa gitna ng kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng anak nilang babae na walong taong gulang lamang

- Emosyonal ang mag-asawa habang kinakausap ni Sen. Raffy dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng anak nila matapos mawala

- Ayon sa otoridad, hindi pa lumalabas ang autopsy report kaya hindi pa matukoy ang sanhi ng pagpanaw bata ngunit sa mukha daw nito ay may mga injury

Dumulog sa programa ni Sen. Raffy Tulfo ang mag-asawang taga-Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal, sa gitna ng kanilang matinding pagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang anak na babae, na walong taong gulang lamang. Emosyonal ang mag-asawa habang kinakausap ni Sen. Tulfo, ikinuwento nila ang kalunos-lunos na sinapit ng kanilang anak na natagpuang walang buhay at isinilid sa isang sako matapos itong mawala.

Read also

Nawawalang 8 anyos na bata, nadiskubreng wala nang buhay at isinilid sa sako

Mga magulang ng batang natagpuang walang buhay at sinilid sa sako, dumulog kay Raffy Tulfo
Mga magulang ng batang natagpuang walang buhay at sinilid sa sako, dumulog kay Raffy Tulfo
Source: Youtube

Ayon sa otoridad, hindi pa lumalabas ang autopsy report ng bata, kaya't hindi pa matukoy ang eksaktong sanhi ng kanyang pagkamatay. Gayunpaman, napansin na may mga injury sa mukha ng bata.

Sa gitna ng kanilang paghihinagpis, nagpaabot ng tulong si Sen. Raffy Tulfo. Sinagot niya ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing ng bata, pati na rin ang iba pang pangangailangan ng pamilya. Nagbigay din siya ng karagdagang pinansyal na tulong upang magamit nila sa kanilang araw-araw na panggastos habang pinoproseso pa ang kaso ng kanilang anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Patuloy na umaasa ang mag-asawa na mabibigyan ng hustisya ang kanilang anak at nananawagan sila ng mabilis na aksyon mula sa mga otoridad upang matukoy ang may sala sa pagkamatay ng bata.

Samantala, sa ibang balita, matatandaang gumimbal sa publiko ang video na kuha sa dash cam ng isang pampublikong bus kung saan nakuhanan ang walang habas na pamamaril sa dalawang pasahero na napag-alamang live-in partners. Naganap ito nitong November 15, 2023 sa Nueva Ecija.

Read also

Ogie Diaz, may payo kay Mark Yulo ukol sa bago nitong kontrobersyal na naging pahayag

Matatandaang posible umanong may motibo ang anak ng biktimang babae sa naganap na pamamaril sa loob ng isang pampasaherong bus. Ayon sa PNP, nagkaroon ng alitan ang isa sa mga biktima at ang anak nito na kanyang kinasuhan.

Samantala, isinapubliko ng News5 ang bahagi ng video kung saan naghabilin ang babaeng biktima ng pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate