Rapper at partner nitong vlogger, kabilang sa hinuli dahil sa vishing scam

Rapper at partner nitong vlogger, kabilang sa hinuli dahil sa vishing scam

- Inaresto ng PNP-ACG ang 19 indibidwal, kabilang ang isang kilalang rapper at singer, dahil sa vishing scam sa Imus, Cavite

- Na-recruit umano sila ng pinuno ng grupo na si alyas "Mamita," na 11 taon nang sangkot sa modus

- Nakuha mula sa mga suspek ang iba't ibang SIM cards, mobile devices, bank documents, at mga script na ginagamit sa panloloko

- Sasampahan sila ng mga kaso sa paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act, Access Devices Regulation Act, Data Privacy Act, at Cybercrime Prevention Act

Inaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 19 indibidwal, kabilang ang isang kilalang rapper na si alyas "Boy" at ang kanyang girlfriend na isang singer, matapos silang masangkot umano sa voice phishing o vishing scam sa Imus, Cavite noong Biyernes. Ayon sa rapper, na-recruit sila ng pinuno ng grupo na si alyas "Mamita," na 11 taon nang sangkot sa ganitong modus.

Read also

Chloe San Jose, nagpaunlak ng maiksing panayam sa ilang press people

Rapper at partner nitong vlogger, kabilang sa hinuli dahil sa vishing scam
Rapper at partner nitong vlogger, kabilang sa hinuli dahil sa vishing scam
Source: Facebook

Sa panayam kay PLt. Wallen Mae Arancillo, tagapagsalita ng PNP-ACG, inamin ng rapper na hindi niya alam na scam pala ang kanyang pinasok. "Hindi raw kasi constant ‘yung kita kaya naghanap siya ng ibang trabaho. Nung inofferan siya ng ibang income, hindi niya alam na scam pala ‘yung pinasok niya," paliwanag ni Arancillo. Dagdag pa niya, kumikita umano ang grupo ng P5 million kada linggo mula sa kanilang iligal na gawain.

Sinalakay ng mga awtoridad ang isang paupahang bahay na nagsisilbing scam hub ng grupo. Nakuha mula sa mga suspek ang iba't ibang SIM cards, mobile devices, laptops, bank documents, at mga script na ginagamit sa panloloko sa kanilang mga biktima.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang mga suspek ay sasampahan ng kaso sa paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), Access Devices Regulation Act, Data Privacy Act, at Cybercrime Prevention Act. Hinimok ni PMGen. Ronnie Francis Cariaga, Director ng PNP-ACG, ang publiko na agad i-report ang ganitong mga insidente upang agad na maaksyunan.

Read also

Jhong Hilario, nakatanggap ng "highest merits" sa pagtatapos nya ng Masters degree

Maging ang mga kilalang personalidad ay nabibikima din ng scammers. Matatandaang nagbabala si Iwa Moto sa kanyang mga tagahanga at followers tungkol sa isang diumano'y scammer. na ginagamit ang kanyang pangalan upang makapanloko ng mas maraming tao.

Nilinaw ni Iwa na napag-alaman niyang mayroong identity theft na naganap kaugnay ng pang-iiscam sa kanya at sa iba pang mga biktima. Minabuti niyang tanggalin na lang ang nauna niyang post kung saan nabanggit niya ang pangalan ng taong aniya ay biktima lang din. Nag-sorry si Iwa sa taong ito at aminado siyang maging siya ay na-stress na rin sa mga nangyayari.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate