Estudyanteng naputulan ng paa, hinangaan sa pinakitang dedikasyon para makapag-aral
- Nag-viral ang video ni Yuan Almase na ibinahagi ng netizen na si Hannah Jill R. Bato
- Makikita sa video na nagbibisikleta si Yuan papunta sa eskwelahan kahit siya ay survivor ng bone cancer
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Gusto ni Yuan na magkaroon ng prosthetic leg upang makatulong sa kanyang ama
Tinatayang nasa 30,000 hanggang 40,000 piso ang kailangan para sa prosthetic leg at therapy ni Yuan
Nag-viral ang isang video ni Yuan Almase matapos itong ibahagi ng netizen na si Hannah Jill R. Bato sa kanyang Facebook post. Sa nasabing video, makikita si Yuan na nagbibisikleta papunta sa kanyang eskwelahan, isang senaryo na agad na nagpakita ng kanyang determinasyon at lakas ng loob.
Binahagi ni Hannah ang isang video kung saan, nagkaroon sila ng pagkakataong magkausap sa pamamagitan ng video call. Ibinahagi ni Hannah na si Yuan ay isang survivor ng bone cancer at ang kanyang pinakamimithi ay magkaroon ng prosthetic leg upang makapagpatuloy sa kanyang buhay at makatulong sa kanyang ama.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kanyang post, sinabi ni Hannah na kinakailangan ni Yuan na sumailalim muna sa therapy bago siya tuluyang mabigyan ng prosthetic leg, na tinatayang nagkakahalaga ng 30,000 hanggang 40,000 piso. Sa kabila ng kanyang kalagayan, patuloy na nagpupursige si Yuan na makamit ang tulong na ito, na hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para na rin sa kanyang pamilya. Ang kwento ni Yuan ay nagsilbing inspirasyon sa marami, at umani ng suporta mula sa mga netizen na nagnanais na makatulong sa kanya.
Makailang beses na ring nag-viral ang mga nakakaantig at nakaka-inspire na mga kwento ng pagsusumikap na naibahagi sa social media,
Labis na hinahangaan ang isang güro sa Negros Occidental na patuloy na nagtuturo sa kabila ng karamdaman. Tatlong beses kada linggo itong nagpapa-dialysis dahil sa sakit. Gayunpaman, determinado pa rin itong ipagpatuloy ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa kanyang mga estudyante. Sa pitong taon nitong pagtuturo ay ganoon na rin ito katagal nakikipaglaban sa kanyang karamdaman.
Marami ang naantig sa post ng isang teacher kung saan naibahagi niya ang picture ng baunan ng kanyang estudyante. Maging siya ay naantig sa kanyang nasaksihan at naibahagi niya ang tungkol dito. Pinakita daw niya iyon sa kanyang anak na agad nagtanong kung paano daw nila matutulungan ang bata.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh