Xian Gaza, sinagot ang netizen na nagtanong kung bakit sila naghiwalay ng ex

Xian Gaza, sinagot ang netizen na nagtanong kung bakit sila naghiwalay ng ex

- Sa kanyang post kamakailan ay pinakita niya ang aniya'y dinatnan niya nang umuwi siya sa bahay nila

- Aniya, bago siya umuwi ay sinabihan niya na ang ex girlfriend niya na lumipat na

- Bukod sa pagpuri niya na malinis nitong iniwan ang bahay, pinuri niya din ang ex dahil iniwan nito ang ilang mga gamit na pwede naman niyang kunin dahil nakapangalan sa kanya

- Isang netizen ang nagtanong kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay

Sa isang post sa social media, ibinahagi ni Xian Gaza ang kanyang dinantnan nang umuwi siya sa kanilang bahay na dating tinitirhan nila ng kanyang ex-girlfriend. Ayon kay Xian, bago pa man siya bumalik sa bahay ay sinabihan na niya ang kanyang dating kasintahan na lumipat na. Pagdating niya, nakita niyang malinis at maayos ang bahay, bagay na kanyang pinuri.

Read also

Miss Catering, naiyak nang maikwento ang paghahakot ng hollow blocks nilang mag-ina

Xian Gaza, sinagot ang netizen na nagtanong kung bakit sila naghiwalay ng ex
Xian Gaza, sinagot ang netizen na nagtanong kung bakit sila naghiwalay ng ex
Source: Facebook

Bukod sa pagpapanatili ng kalinisan, pinuri rin ni Xian ang kanyang ex dahil sa iniwan nitong ilang gamit na pwedeng-pwede niyang kunin dahil nakapangalan sa kanya ang mga ito. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, nagawa pa rin ni Xian na magpasalamat at magbigay ng papuri sa dating kasintahan sa paggalang nito sa kanilang naging pagsasama at sa maayos na pagtatapos ng kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang netizen ang naglakas-loob na magtanong kay Xian kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa halip na magbigay ng detalyadong sagot, nagbigay ng maikli ngunit malinaw na pahayag si Xian, na nagsasabing dapat irespeto ng mga tao ang kanyang privacy.

Aniya, "hindi maganda yung nangingialam ka sa buhay ng may buhay," na tila isang paalala na kahit pa kilala siya sa social media, may mga bahagi pa rin ng kanyang buhay na nais niyang manatiling pribado.

Read also

Eldrew Yulo, nakiusap sa kanyang kuya na babaan ang pride nito

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: