Angelica Yulo, sumama ang loob: "Andu'n 'yung pain e"

Angelica Yulo, sumama ang loob: "Andu'n 'yung pain e"

-Aminado ang ina ni Carlos Yulo na sumama ang loob niya sa mga alegasyong naibabato sa kanya

- Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, hayagang nasabi ni Angelica Yulo ang saloobin

- Aniya, walang katotohanan ang umano'y paglulustay ng pera umano ng anak na si Carlos

- Bagama't bahagyang nabago raw ang kanilang lifestyle, ito ay dahil na rin sa panganay niyang anak na tumutulong din sa kanila

Inamin ni Angelica Yulo, ina ng Paris 2024 Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang naging saloobin sa natatanggap na akusasyon kaugnay sa incentives noon ni Carlos na sa kanya umano napunta.

Angelica Yulo, aminadong masama ang loob kay Carlos: "Andu'n 'yung pain e"
Angelica Yulo, aminadong masama ang loob kay Carlos: "Andu'n 'yung pain e" (Angelica Poquiz Yulo)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, hayagang nasabi ni Angelica na masama ang loob niya dahil sa mga bansag na "magnanakaw" at "naglulustay" 'di umano ng pera ng kanyang anak.

"Masama ang loob ko. Andun yung pain e. Na parang sabihan ka ng anak mo na magnanakaw. Na parang gusto kong sabihin na, asan yung ninakaw? Na ganun pa rin naman kami, tulad ng dati. ung hindi pa siya nagkakapera. Nung nagkapera siya, walang nagbago sa lifestyle namin. Meron naman, konti no," giit ni Angelica.

Read also

Ina ni Carlos Yulo sa posibilidad na magkaayos silang mag-ina: "Dependa 'yan"

Isa rin umano ang kanyang panganay na anak na nakatutulong sa kanila lalo na sa iba pang gastusin sa kanilang tahanan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kasi 'yung eldest ko medyo maganda yung pumapasok na blessings sa eldest ko e, tapos ayun nati-treat niya ako, international. HIndi lang yun, siya yung katulong ko sa panggastos dito sa bahay. Siya yung nagbabayad ng tubig at ilaw. And ako naman yung sa internet at sa foods namin," dagdag pa niya.

"Hindi ko rin kasi makita e, yung sa luho na sinasabi ng mga tao na parang, wala e. Wala akong luho!" paglilinaw ni Angelica.

Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya ng ABS-CBN:

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019. Dalawang gintong medalya ang maiuuwi ni carlos mula sa 2024 Paris Olympics.

Read also

Carlos Yulo, dinipensahan ang GF: "Si Chloe po may sarili siyang income"

Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.

Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano'y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica