Carlos Yulo, dinipensahan ang GF: "Si Chloe po may sarili siyang income"

Carlos Yulo, dinipensahan ang GF: "Si Chloe po may sarili siyang income"

- Dinipensahan ng tinaguriang "golden boy" na si Carlos Yulo ang girlfriend na si Chloe San Jose

- Ito ay kaugnay sa naging pahayag ng ina ni Carlos na baka raw "maubos" ito

- Naglabas na ng opisyal na pahayag si Carlos sa kontrobersiya nila umano ng kanyang ina

- Kasama na rito ang umano'y hindi pagkakaunawaan ng GF ni Carlos at ina nito

Sa official statement video na inilabas ng Paris 2024 Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nabanggit din niya ang tungkol sa mga umano'y akusasyon sa kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.

Carlos Yulo, dinipensahan ang GF: "Si Chloe po may sarili siyang income"
Carlos Yulo, dinipensahan ang GF: "Si Chloe po may sarili siyang income" (@chloeanjeleigh)
Source: Facebook

Matatandaan na sa isang panayam sa ina ni Carlos na si Angelica, nabanggit nitong isa umano si Chloe sa dahilan ng nangyayari sa kanila ngayon ni Carlos.

"Hinusgahan niya po agad si chloe sa pananamit at sa pag-akto po niya... Unang-una, lumaki po si Chloe sa Australia at 'yun ang nakagisnan niyang culture. At ibang-iba po talaga sa Pilipinas kung paano tayo gumalaw, magsalita o manamit."

Read also

Xian Gaza, napa-react sa inilabas na pahayag ni Carlos Yulo

"About po 'dun sa mauubos ang anak ko na sabi po ng mama ko. Unang-una po si Chloe may sarili siyang income. Lahat po ng nakikita niyong gamit at 'yung pag-travel niya kung saan-saan po, galing po 'yun sa pinagpaguran niyo"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Carlos:

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.Ngayong Agosto 4, lalaban muli sa isa pang kategorya si Yulo, kung saan umaasa ang marami na makapag-uuwi muli siya ng isa pang ginto para sa Pilipinas.

Read also

Carlos Yulo, sunod na paghahandaan ang LA 2028 Olympics

Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.

Nasundan pa umano ito ng ilang sinasabing reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano'y isyu na ito ng mag-ina na sa kasamaang palad ay lumitaw sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica