Mariano Lingay at Cindy, binahagi ang mga naggagandahang wedding pictures nila

Mariano Lingay at Cindy, binahagi ang mga naggagandahang wedding pictures nila

- Ikinasal na ang content creator na sina Mariano Lingay at Cindy nitong July 29, 2024

- Sa kanilang SDE video ay makikita ang kanilang pagbitaw ng pangako sa isa't-isa

- Nasalaysay din nila na hindi naging madali ang pagsisimula ng kanilang relasyon dahil sa mga panghuhusga ng mga tao

- Dumalo rin ang ilang kaibigan nilang content creators din na kagaya nila

Ikinasal na kamakailan ang kilalang content creator na sina Mariano Lingay at Cindy, na binahagi ang kanilang mga naggagandahang wedding pictures sa social media.

Mariano Lingay at Cindy, binahagi ang mga naggagandahang wedding pictures nila
Mariano Lingay at Cindy, binahagi ang mga naggagandahang wedding pictures nila
Source: Facebook

Sa kanilang same-day edit (SDE) video, makikita ang kanilang matamis na pagbitaw ng pangako sa isa't isa. Emosyonal ang naging seremonya habang ipinapahayag nila ang kanilang walang hanggang pagmamahalan.

Nasalaysay din ng magkasintahan na hindi naging madali ang kanilang pagsisimula bilang magkapareha. Marami ang nanghusga at hindi naniwala sa kanilang relasyon, ngunit sa kabila ng mga pagsubok, pinatunayan nila na ang tunay na pag-ibig ay kayang lagpasan ang anumang hadlang.

Read also

Picture ng naulilang mag-aama sa harap ng kabaong ni Alexa Gutierrez, umantig sa puso ng marami

Dumalo rin sa kanilang kasal ang ilan sa kanilang mga kaibigan na kapwa rin content creators. Naging makulay at masaya ang selebrasyon dahil sa mga taong sumuporta at naniwala sa kanilang pag-iibigan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Patuloy na nagbibigay inspirasyon sina Mariano Lingay at Cindy sa kanilang mga tagasubaybay, at tiyak na magiging inspirasyon ang kanilang kwento sa marami pang magkasintahan na humaharap sa mga pagsubok ng buhay.

Si Mariano Lingay ay nagmula sa Mabalacat, Pampanga. Pangatlo siya sa anim na magkakapatid. Hilig umano niya ang pagkanta. Kaya naman naglakas loob siyang sumali sa isang Street Karaoke Challenge. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan sa mas marami pang oportunidad. Nakipag-ugnayan sa kanya ang isang talent agency at inalok siyang maging on-cam star sa vlog. Dito siya naitambal kay Angel na mula naman sa Porac Pampanga.

Read also

Lassy Marquez, na-trauma matapos ang pinagdaanan sa baha

Matatandaang matapos ilabas ng SY Talent Entertainment ang video na umano'y magpapakita ng tunay na ugali ng dating talent nila na si Mariano, nilinaw ni Mariano ang tungkol sa video. Ani Mariano, hindi totoong sinaktan niya ang ipinapareha sa kanyang si Cindy dahil gusto lamang niya umanong umalis na sa nasabing talent agency. Gayunpaman, pinipigilan daw siya ni Cindy kaya ginawa niya ang kanyang makakaya upang makatakas. Sinabi niya rin na ang lahat ng kanilang ipinapakita sa YouTube channel ng SY Entertainment ay pawang scripted.

Kinalaunan ay patuloy ang paghahatid ng good vibes ang vlogger couple na sina Mariano G at Cindy. Ito ay sa kabila ng ilang mga pangungutya sa kanilang relasyon. Kamakailan, kumuha pa umano ng sariling matitirahan ang dalawa at pinakitang matatag ang kanilang relasyon. Sa kanilang vlog, naibahagi nila ang kaganapan sa paglipat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate