Teacher Dan, ibinida ang kanyang glow up matapos magpa-rhinoplasty

Teacher Dan, ibinida ang kanyang glow up matapos magpa-rhinoplasty

- Binahagi ng social media personality na kilala bilang si Teacher Dan ang kanyang rhinoplasty journey

- Sa kanyang Facebook page na Danvibes, makikita ang kanyang pagbabahagi ng kanyang pagpapaganda

- Marami ang pumuri sa kanyang kagandahan at meron din nmang pumuna sa kanyang desisyon

- Gayupaman, nanatiling positibo si Teacher Dan at idinaan sa biro ang kanyang paghayag ng saloobin

Ibinahagi ng social media personality na kilala bilang si Teacher Dan ang kanyang rhinoplasty journey sa kanyang Facebook page na Danvibes. Sa mga larawan at video na kanyang ipinost, kitang-kita ang malaking pagbabago sa kanyang hitsura na agad namang umani ng iba't ibang reaksyon mula sa kanyang mga tagasubaybay.

Teacher Dan, ibinida ang kanyang glow up matapos magpa-rhinoplasty
Teacher Dan, ibinida ang kanyang glow up matapos magpa-rhinoplasty
Source: Facebook

Marami ang pumuri sa kanyang kagandahan at nagbigay ng suporta sa kanyang desisyon.

Sa kabila ng mga positibong komento, hindi rin nawala ang mga pumuna sa kanyang pagpaparetoke. Gayunpaman, nanatiling positibo si Teacher Dan at idinaan sa biro ang kanyang paghayag ng saloobin.

Read also

Mercedes Cabral, nag-react sa bansag na 'Pambansang Jumper'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang post, ipinahayag ni Teacher Dan na matagal na niyang pinag-isipan ang kanyang desisyon at masaya siya sa resulta. Aniya, hindi dapat matakot magpa-rhinoplasty kung ito ang magpapasaya sa isang tao at hindi dapat intindihin ang sasabihin ng ibang tao.

Ang kanyang openness at pagiging totoo sa kanyang sarili ay nagbigay inspirasyon sa marami na ipaglaban ang kanilang mga kagustuhan at sariling kaligayahan.

Sa kasagasagan ng pandemya, ang ilang mga teacher ay naapektuhan din at nawalan ng trabaho. Kabilang si Teacher Dan sa nawalan ng trabaho ngunit hindi niya ito hinayaang maging hadlang para maipagpatuloy niya ang kanyang paghahanap-buhay.

Matatandaang ninisita ni Ogie Diaz ang viral music teacher ng Cebu na si Teacher Dan. Nakapagsabayan pa ito ng biritan kay Teacher Dan na tinuruan siya ng tamang pagkanta ng kanyang mga awitin. Namangha rin si Ogie Diaz sa kwento ng buhay ni Teacher Dan na isa sa mga labis na naapektuhan ng pandemya. Naibahagi rin ni Teacher Dan ang mga pinagdaanan niya mula pagkabata at sigasig niya na makapag-aral at makapagtapos.

Read also

Rendon Labador, sa mga balitang naiuugnay sa kanya: "Lahat 'yan mali, lahat 'yan ikakasira ko"

Nakwento ng viral music teacher na si Teacher Dan na minsan na siyang muntik na ma-kidnap. Ito ay dahil sa kagustuhan niyang makapag-kolehiyo kaya naman napilitan siyang sumama sa nagpanggap na madre. Mabuti na lamang at nahabol pa siya at napigilan ng kanyang ina na sinabing paaaralin pa rin siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate