Apo, ipinagdiwang ang graduation kasama ang kanyang lolo’t lola sa bukid
- Naging emosyonal si Jay Mark Maniquez Espartero nang ipakita niya ang kanyang diploma at toga sa kanyang lolo’t lola na sina Marcelino at Marteliana Maniquez sa bukid
- Hindi nakadalo ang kanyang lolo’t lola sa graduation ceremony dahil sa hirap ng pag-commute
- Agad na pinuntahan ni Jay Mark ang kanyang lolo’t lola sa bukid upang ipakita ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap
- Nagtapos si Jay Mark ng Business Administration major in Financial Management mula sa Davao Oriental State University
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging emosyonal ang binatang si Jay Mark Maniquez Espartero matapos niyang ipakita ang kanyang diploma at toga sa kanyang lolo’t lola na sina Marcelino at Marteliana Maniquez noong Hulyo 1, 2024. Ang kanyang Lola Marteliana, 72, at Lolo Marcelino, 73, ay hindi nakadalo sa kanyang graduation ceremony dahil sa hirap ng pag-commute.
Ayon kay Jay Mark, wala siyang balak kumuha ng larawan dahil plano niyang magpa-picture na lamang pag-uwi sa bahay dahil hindi nakadalo ang kanyang lolo’t lola sa kanyang graduation.
Matapos malaman na ang kanyang lolo’t lola ay nasa bukid, agad niyang pinuntahan at niyakap sila upang ipakita ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap. Nagtapos si Jay Mark ng kursong Business Administration major in Financial Management mula sa Davao Oriental State University.
“Mang, Pang, thank you so much sa pagpalaki sa akin simula bata hanggang ngayon at sa pagpapaaral. Maraming-maraming salamat po talaga dahil kung wala kayo hindi ko maaabot kung saan ako ngayon. Hayaan niyo babawi ako sa inyo, mahal ko kayo.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang umantig sa puso ng marami ang video ng isang amang magsasaka na nakapagpatapos ng kanyang anak sa kolehiyo . Nag-viral ang naturang video na umani rin ng papuri mula sa mga netizens. Makikita kung gaano ka-proud ang ama sa anak na nakatapos ng Bachelor of Arts in History. Tunay na inspirasyon ang hatid ng naturang video na hatid ay pag-asa at patunay na tagumpay ang kinakaharap ng isang taong may pagtitiyaga at determinasyon.
Nag-viral din ang post ng isang UP graduate na kinapulutan ng aral ng marami. Aakalain ng ilan na negatibo ang kanyang post tungkol sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Subalit nasasalamin lamang nito ang katotohanan sa karamihan sa mga kabataang namulat sa pamilyang limitado lamang ang kakayanan sa buhay. Umani ng papuri ang naturang post na sa kasalukuyan ay mayroon nang 185,000 na positibong reaksyon.
Source: KAMI.com.gh