CCTV footage bago natagpuang patay sa loob ng koste ang 2 bata, hawak na ng PNP

CCTV footage bago natagpuang patay sa loob ng koste ang 2 bata, hawak na ng PNP

- Nakakuha ng CCTV footage ang PNP ng mga huling sandali ng dalawang batang natagpuang patay sa loob ng kotse sa Pampanga

- Nakita sa footage na ang mga biktimang sina James at Bong ay tumatakbo sa isang bukas na paradahan at pumasok sa isang abandonadong van bago lumipat sa isang abandonadong kotse

- Ayon sa Santo Tomas Police, maaaring na-lock ang mga bata sa kotse na ang mga pinto ay sira mula sa loob

- Ang autopsy ay nagpakita na ang mga bata ay namatay dahil sa suffocation o pagkawala ng hangin

Nakakuha ng CCTV footage ang Santo Tomas Police na nagrekord ng mga huling sandali ng dalawang batang natagpuang patay sa loob ng isang abandonadong kotse sa Barangay Moras Dela Paz, Santo Tomas, Pampanga.

CCTV footage bago natagpuang patay sa loob ng koste ang 2 bata, hawak na ng PNP
CCTV footage bago natagpuang patay sa loob ng koste ang 2 bata, hawak na ng PNP
Source: Youtube

Ayon sa ulat ni Joanne Ponsoy ng 24 Oras noong Martes, ipinakita sa CCTV footage na ang mga biktimang sina James, 6 na taong gulang, at Bong, 5 taong gulang, ay tumatakbo sa isang bukas na paradahan na 500 metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.

Read also

JoWaPao, nawindang nang banggitin ng batang contestant si Vice Ganda

Makikita sa footage na ang dalawang bata ay tumatakbo at pumapasok sa isang abandonadong van, bago lumipat sa isang abandonadong kotse.

“Nakita namin ‘yung dalawang bata na sila lang pumasok doon sa open parking space na ‘yun… Mga 2 to 3 minutes sila doon [sa kotse bago] lumipat sila sa kotse kung saan sila natagpuan. Until nag-review kami ng 2 hours, walang lumabas,” ayon kay Santo Tomas Police chief Police Captain Jester Calis.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ng pulisya, ang huling kotse na kanilang pinasok ay maaaring hindi naka-lock, ngunit lahat ng pinto ay sira mula sa loob.

Magpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung sino ang maaaring managot sa insidente.

Matatandaang ang dalawang bata na may edad 5 at 6 ay natagpuan sa loob ng nakaparadang kotse sa Sto. Tomas, Pampanga. Ayon sa ulat ni Dennis Datu ng ABS-CBN News, nawawala ang dalawang bata mula pa noong Hulyo 6. Ang kotse kung saan natagpuan ang mga katawan ng dalawang bata ay isang itim na Volkswagen Beetle at ito ay nakaparada sa isang damuhang lugar.

Read also

Iprinisinta ng DILG at PNP ang 2 pangunahing suspek sa pagpatay kay Geneva Lopez at Yitshak Cohen

Kinumpirma ng pulisya na ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang magkapatid na may edad 5 at 6 ay suffocation. Ito ay ayon sa resulta ng autopsy. Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate