Pamilya ni Geneva Lopez, nababahala para sa kanilang seguridad
- Nababahala ang pamilya ni Geneva Lopez para sa kanilang seguridad matapos ang krimen laban kay Geneva at Yitshak Cohen
- Nais ng pamilya ni Geneva na mapanagot ang mga responsable sa pagpaslang sa kanilang mahal sa buhay
- Pinaniniwalaan ng pamilya na planado ang krimen dahil biglang nag-cancel si Geneva ng kanilang lakad noong Biyernes
- Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at umaasa ang pamilya na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magkasintahan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nababahala ang pamilya ng pinaslang na beauty queen na si Geneva Lopez para sa kanilang seguridad matapos ang krimeng ginawa sa kanilang kaanak at sa Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen, ayon sa panayam ni @JecelleRicafort ng DZRH News.
Sinabi ng isang kaanak ni Geneva Lopez na nais nilang mapanagot ang gumawa ng pagpaslang sa kanilang mahal sa buhay. Ayon sa kanila, kung makakausap nila ang mga ito, nais nilang tanungin kung ano ang dahilan ng pagpaslang sa magkasintahan na walang kalaban-laban.
Paniwala niya, planado ang krimen dahil may lakad pa sana sila ng Biyernes ng hapon para bumili ng game para sa kapatid nila, ngunit bigla umanong nag-cancel si Geneva dahil sa meeting.
Matatandaang nagtungko ang magkasintahan sa Capaz, Tarlac para sa isang property.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at umaasa ang pamilya ni Geneva na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magkasintahan.
Huling nakita sina Lopez, isang Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at ang kanyang Israeli boyfriend na si Cohen noong Hunyo 21. Bumiyahe ang dalawa mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga patungong Tarlac upang tingnan ang bibilhing lupa.
Sumuko ang driver ng dalawang pangunahing suspek sa pagpatay kina Geneva at Yitzhak ayon sa CIDG. Si "Jess" daw ang nagturo sa pulisya kung saan ibinaon ang mga bangkay ng mga biktima sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac. Kinumpirma ni Pampanga Governor Dennis Pineda ang pagkakakilanlan ng mga bangkay na natagpuan noong Sabado. Nasa kustodiya ng CIDG ang dalawang dating pulis na pangunahing suspek, isa rin sa kanila ay nahuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga baril.
Ayon sa kapatid ni Yitzhak, si Yaniv Cohen, nakausap pa ng kanilang kapatid na babae si Itzhak isang oras bago ito nawala. Sa isang panayam sa Ynet, sinabi ni Yaniv na pumunta si Yitzhak upang makipagkita sa isang taong kilala na niya ng ilang taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh