Rendon Labador, handa tangapin ang persona non-grata para protektahan si Rosmar Tan

Rendon Labador, handa tangapin ang persona non-grata para protektahan si Rosmar Tan

- Pinagtanggol ni Rendon Labador si Rosmar Tan laban sa mga batikos sa Coron, Palawan

- Humingi ng paumanhin si Labador sa mga naapektuhan ng kanyang mga aksyon sa video

- Nanawagan siya sa Mayor at LGU ng Coron na huwag nang idamay si Rosmar sa isyu

- Handa daw si Labador na tanggapin ang persona non grata declaration kapalit ni Rosmar

Sa gitna ng kontrobersiya sa Coron, Palawan, pinagtanggol ni Rendon Labador ang kapwa vlogger na si Rosmar Tan laban sa mga batikos. Ayon kay Labador, hindi deserve ni Rosmar ang masaktan at siraan dahil napakabuti ng kanyang pagkatao. Aniya, "Walang ginawa yung mag-asawa kundi mag-isip palagi saan tutulong."

Rendon Labador, handa tangapin ang persona non-grata para protektahan si Rosmar Tan
Rendon Labador, handa tangapin ang persona non-grata para protektahan si Rosmar Tan
Source: Facebook

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Labador na handa siyang ipaglaban ang karapatan ng kahit sinong inaapi, maging celebrity man o hindi. "Ganyan ako pinalaki ng magulang ko. Tumindig para sa mga taong hindi kayang ipaglaban ang kanilang mga karapatan," dagdag niya.

Read also

Team Malakas, naglabas ng video para mag-public apology

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kanyang mga aksyon sa video, at inaming wala siyang intensyong masama. "Humihingi ako ng pasensya kung napasobra ang aking ginawa sa video. Wala akong intensyong masama, kung may mga taong nasaktan man at hindi natuwa, humihingi ako ng pasensya."

Pinasalamatan din ni Labador ang mag-asawang Rosmar at Jerome, at nanawagan sa Mayor at LGU ng Coron na huwag nang idamay si Rosmar sa isyu. "Ako nalang ang tatanggap ng PERSONA NON GRATA kung yan ang gusto ninyong mangyari," aniya. Tiniyak niyang accountable siya sa kanyang mga aksyon at patuloy na nagbabagong-buhay, ngunit nananatiling matatag ang kanyang prinsipyo para sa tama. "Maraming salamat po. #LabLabLabador

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Read also

Diwata, nakipagsabayan sa ilang kilalang artista sa sagala sa Malabon

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel