Pari, humingi ng dispensa kaugnay sa viral Amlan wedding video

Pari, humingi ng dispensa kaugnay sa viral Amlan wedding video

- Isang viral na video ng kasal sa Amlan, Negros Oriental, kung saan sinimulan ng pari ang misa kahit hindi pa nakararating sa altar ang bride, ang nagdulot ng kontrobersiya

- Ayon kay Janice Seit Suelto-Sagario, ang bride, nagsimula ang pari sa seremonya dahil sa pagka-late ng entourage

- Ang kasal dapat sana ay alas otso ng umaga, ngunit may nagsabi na na-move ang oras ng seremonya ngunit hindi ito naiparating sa kanila

- Nagkaroon ng public apology mula sa parish office sa pangyayari at ang bride at groom ay nakatakdang ikasal muli sa Hunyo 17, 2024

Naglabas ng pahayag ang parish office kung saan naganap ang viral na Amlan wedding video. Humingi ng dispensa ang parokya sa ikinasal at maging sa pamilya ng kasunod ng kasal na isang libing na naantala.

Pari, humingi ng dispensa kaugnay sa viral Amlan wedding video
Pari, humingi ng dispensa kaugnay sa viral Amlan wedding video
Source: Facebook

Matatandaang sa isang social media post, sinabi ng bride na nalaman nilang walang pagbabago sa kanilang schedule nang dumating sila ilang minuto bago mag alas nuwebe ng umaga.

Read also

Viral na Negros Oriental couple, muling ikakasal sa tulong ng mga sponsors

Napagalitan sila ng staff ng parokya dahil sa pagiging late at hindi sila pinagbigyan na magpaliwanag.

Nahirapan daw siyang magmadaling maglakad sa aisle habang naka-wedding dress at nagsimula na ang misa habang siya ay nasa pintuan pa lamang ng simbahan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa altar, pinagalitan din sila ng pari na sinabing akala nila ay nanganak na siya dahil sa pagdating na hindi sa oras.

Ngunit sa pahayag ng parish office, wala naman daw talagang pagbabago sa schedule ng simbahan sa araw na iyon.

"Despite the fact that they were late by an hour, still our Assisting Priest celebrated the Mass out of charity to the couple. But he had to hurriedly make some adjustments, by starting when he saw the bride at the Church entrance, and after sending word to the bereaved family waiting outside the Church that there is going to be a delay in the Funeral Mass and to please wait until the wedding is over," sabi ni parish priest Msgr. Albert Erasmo Bohol sa isang pahayag.

Read also

Vice Ganda sa EXpecially For You searchee na si Trisha: "Kaboses niya si Liza Soberano"

Nakatakdang ikasal muli ang bride at groom sa Hunyo 17, 2024.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng aberya sa kasalan na nag-viral at umani ng simpatya. Matatandaang nagbigay komento si Rr Enriquez sa nag-viral na kasalan nina Jorryme at Ales Vodisek. Ito ay dahil sa kakaibang closeness ng groom sa girl best friend nito at 'best woman' sa kasal na si Shaira. Maging si RR ay nagulat sa closeness umano nina Ales at Shaira na siyang naging dahilan ng matinding pagseselos ng bride.

Nagkabalikan na umano ang nag-viral na bagong kasal na sina Jorryme at Ales. Matatandaang nag-viral ang dalawa dahil sa kakaibang kinikilos umano ni Ales at ng girl best friend nito. Hindi nagtagal, agad ngang nagkahiwalay sina Jorryme at Ales Vodisek at na-feature pa ang kwento nila sa KMJS. Subalit ngayon, "love is sweeter the second time around" na raw para sa dalawa.

Read also

Beks Battalion, may pasilip sa bagong comedy bar ni Vice Ganda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate