PNP, iaapela ang pagkakabasura sa reklamo sa mga suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon

PNP, iaapela ang pagkakabasura sa reklamo sa mga suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon

- Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ang Special Investigation Task Group (SITG) Camilon ay maghahain ng motion for reconsideration sa Batangas Provincial Prosecutor's Office

- Ito ay laban kina dating pulis Maj. Allan de Castro, Jeffrey Magpantay, at dalawang John Does

- Kaugnay ito sa pagsibak sa mga reklamo dahil sa kakulangan ng ebidensya

- Inutos din ang pagpapalaya kay Magpantay mula sa pagkakakulong maliban na lamang kung may iba pa siyang kaso

Nagpahayag ang Philippine National Police (PNP) ng kanilang balak na mag-apela sa pagbasura ng mga reklamong kidnapping at illegal detention laban sa isang dating pulis at kanyang driver na kaugnay sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

PNP, iaapela ang pagkakabasura sa reklamo sa mga suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon
PNP, iaapela ang pagkakabasura sa reklamo sa mga suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon
Source: Instagram

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, maghahain ang Special Investigation Task Group (SITG) Camilon ng isang motion for reconsideration sa Batangas Provincial Prosecutor's Office laban kina dating pulis Maj. Allan de Castro, Jeffrey Magpantay, at dalawang John Does.

Read also

Ivana Alawi, Php 2 million ang mother's day gift sa kanyang Mama

Sinabi ni Fajardo na kanilang gagamitin ang lahat ng legal na paraan upang ipaglaban ang kaso, dahil naniniwala silang may sapat na ebidensya upang patunayan ang koneksyon nina De Castro at Magpantay sa patuloy na pagkawala ni Camilon noong Oktubre 12, 2023.

Noong Abril 16, ibinasura ng DOJ Calabarzon ang mga reklamo dahil sa kakulangan ng ebidensya. Inatas din ang pagpapalaya kay Magpantay mula sa pagkakakulong maliban na lamang kung may iba pang batayan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang panayam sa telepono, ibinahagi ni Rose, ina ni Catherine, ang kanyang kalungkutan sa desisyon ng DOJ ngunit hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. "Hindi ko kayang tanggapin na patay na ang anak ko hangga't hindi ko siya nakikita. May pag-asa pa rin ako, gaano man kasakit ito," sabi niya.

Si Catherine Camilon ay isa sa naging kalahok sa Miss Grand Philippines 2023. Naging usap-usapan siya matapos mapabalita noong ika-12 ng Oktubre ang tungkol sa kanyang pagkawala.

Read also

Reklamo laban sa suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon, binasura ng piskalya

Simula October 12 ay nireport na siyang missing. Ang kapatid niyang si Chin-chin Camillon ang nag-post sa Facebook upang humingi ng tulong sa paghahanap ng kanyang kapatid na bukod sa pagiging isang beauty queen ay isa ding teacher. Naibahagi niya ang ilang detalye kabilang na ang edad nito na 26 taong gulang at ang height nito na 5'6". Binahagi niya rin ang picture ng plate number ng sasakyan ng kanyang kapatid.

Sumuko sa Balayan Municipal Police Station ang isa sa tinuturong sangkot sa pagkawala ng beauty queen. Ito ang driver at personal bodyguard ni Police Major Allan De Castro, ang tinuturong pangunahing suspek. Kinilalang si Jeffrey Magpantay ang naturang driver na kinilala ng dalawang saksi na siyang nanutok ng baril sa kanila nang makita nila ang duguang babae na sinasakay sa pulang SUV. Hindi naman nagbigay ng pahayag si Magpantay at hindi din niya sinabi kung may pagbabanta ba sa kanyang buhay kaya mas pinili niyang sumuko na lang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate