May-ari ng Taragis, ibinunyag ang kwento sa likod ng nag-viral na post nila
- Naglabas ng video ang may-ari ng Taragis na si Carl Quion tungkol sa aniya'y katotohanan sa pinag-uusapang April Fools' post nila
- Inamin niyang planado ang lahat at noong nakaraang taon pa niya ito pinagplanuhan
- Aniya, nasasaktan din siya para kay Tatay Ramil na tinatawag ng ibang netizen na scammer daw
- Sinabi niya rin na hindi lahat ng nagsabing magbibigay ay nakapagbigay kay Tatay Ramil at P200K lang ang naihatid kay Tatay Ramil mismo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inamin ng may-ari ng Taragis na si Carl Quion na planado ang lahat mula sa kanilang pag-post ng April Fools' post nila. Pinakita din niya ang naging pag-uusap nila ni Tatay Ramil nang sabihin nitong papayag siyang magpa-tattoo sa noo.
Sa kanyang binahaging video ay nagsalita din si tatay Ramil upang pasalamatan ang mga nagbigay pa rin sa kanya kahit nalaman nilang scripted ang lahat dahil anila ay gusto nilang tumulong.
Nasasaktan din si Carl para kay Tatay Ramil na tinatawag ng ibang netizen na scammer daw.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang "April Fools" ay isang paggunita kung saan ang mga tao ay nagbibiro, nagpapakita ng mga balita na hindi totoo, o naglalabas ng iba't ibang uri ng prank. Ito ay isang pagkakataon para sa mga tao upang magpatawa at magpasaya sa isa't isa, ngunit mahalaga pa rin na tandaan na maging responsable sa paggawa ng biro at siguruhing hindi makakasakit o magdudulot ng hindi magandang epekto sa iba.
Nag-trending ang isang takoyaki shop matapos ang kanilang post na isang April Fools prank. Ang naturang post ay tungkol sa taong magpapa-tattoo ng logo nila sa noo at mananalo ng P100K ang taong mauunang magpadala ng picture ng kanilang tattoo. Isang lalaki ang sumeryoso sa kanilang post at agad na nagpa-tattoo sa kanyang noo. Bumuhos naman ang tulong mula sa iba't-ibang maliliit na negosyo para sa naturang lalaki.
Bumuhos ang pinansiyal na tulong sa lalaking nagpa-tattoo sa noo dahil sa April Fools' prank ng isang takoyaki shop. Marami ang mga nagnais na makapaghatid ng pinansiyal na tulong kay Tatay Ramil Albano. Nag-post rin yung iba ng kanilang hangarin na makapagbigay kay tatay ng pera, isang libreng iPhone, at lifetime na libreng pagupit. Patuloy na pinag-uusapan online ang tungkol sa prank post na ito ng takoyaki shop.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh