Takoyaki shop, trending matapos ang kanilang April Fools' prank

Takoyaki shop, trending matapos ang kanilang April Fools' prank

- Nag-trending ang isang takoyaki shop matapos ang kanilang post na isang April Fools prank

- Ang naturang post ay tungkol sa taong magpapa-tattoo ng logo nila sa noo at mananalo ng P100K ang taong mauunang magpadala ng picture ng kanilang tattoo

- Isang lalaki ang sumeryoso sa kanilang post at agad na nagpa-tattoo sa kanyang noo

- Bumuhos naman ang tulong mula sa iba't-ibang maliliit na negosyo para sa naturang lalaki

Nag-post ang isang takoyaki shop ng prank nitong nagdaang April 1 ngunit isang lalaki ang sumeryoso sa kanilang post sa pag-aakalang mananalo siya ng P100K kung ipapa-tattoo niya ang logo ng naturang shop sa kanyang noo.

Takoyaki shop, trending matapos ang kanilang April fools prank
Takoyaki shop, trending matapos ang kanilang April fools prank
Source: Facebook

Marami ang hindi natuwa sa post na ito ng naturang shop lalo at kung pagbabasehan ang post ng lalaking nagpa-tattoo ay tila nangangailangan talaga ito ng pera.

Bumuhos naman ang tulong mula sa iba't-ibang maliliit na negosyo para sa naturang lalaki.

Read also

Ivana, nagkunwaring sampaguita vendor; namahagi ng x1000 na biyaya sa mga bumili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang "April Fools" ay isang paggunita kung saan ang mga tao ay nagbibiro, nagpapakita ng mga balita na hindi totoo, o naglalabas ng iba't ibang uri ng prank. Ito ay isang pagkakataon para sa mga tao upang magpatawa at magpasaya sa isa't isa, ngunit mahalaga pa rin na tandaan na maging responsable sa paggawa ng biro at siguruhing hindi makakasakit o magdudulot ng hindi magandang epekto sa iba.

Matatandaang noong 2022, viral ang post ng isang netizen na nagawang i-prank ang ilang delivery riders. Bahagi umano ito ng April Fools' Day subalit napaiyak nito sa saya ang isa sa mga riders. Nagpasalamat din ang delivery rider na hindi inaasahang magiging pabor sa kanya ang kakaibang prank. Isa ang mga delivery riders sa itinuturing nating frontliners sa kasagsagan ng pandemya kaya naman nararapat na sila ay pagmalasakitan.

Read also

Shaira, 'speechless' matapos siyang ayusan para sa isang photoshoot

Samantala, isang netizen ang nag-post ng April Fools prank tungkol kina Belle Mariano at Donny Pangilinan. ABS-CBN Entertainment pa ang ginamit nitong pangalan sa X para magmukhang totoo ang kanyang post. Inanunsiyo nito sa post na nag-de-date na ang dalawa. Marami ang napaniwala kabilang na si Andrea Brillantes ngunit kinalaunan ay napagtanto nito na April Fool's joke pala ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate