Asong si Killua na pinaslang sa Camarines Sur, nagpositibo sa rabies

Asong si Killua na pinaslang sa Camarines Sur, nagpositibo sa rabies

- Naglabas ng statement ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) kaugnay sa resulta ng pagsusuri sa pinaslang na asong si Killua

- Lumabas daw sa pagsusuri na nag-positibo sa rabies ang naturang aso ngunit tuloy pa rin ang pagsasampa nila ng reklamo sa pumaslang sa aso

- Inudyukan ng PAWS ang publiko na maaring nakalmot o nakagat ng naturang aso na magpaturok ng post-exposure shots

- Nabanggit din sa kanilang statement na maaring hindi accurate ang resulta dahil nailibing na ang katawan ng aso nang 5 araw at maaring na-contaminate na lamang

Nagpositibo sa rabies ang Golden Retiever na asong si Killua. Sa nilabas na pahayag na Philippine Animal Welfare Society (PAWS), magsasampa pa rin sila ng criminal charges laban kay Anthony Solares para sa animal cruelty.

Asong si Killua na pinaslang sa Camarines Sur, nagpositibo sa rabies
Asong si Killua na pinaslang sa Camarines Sur, nagpositibo sa rabies
Source: Facebook

Nag-udyok din ang PAWS na magpaturok ng post-exposure shots ang mga taong maaring nakalmot o nakagat ni Killua. Sa kabila ng lumabas na resulta, maari din daw na na-contaminate lang ang katawan ng aso dahil 5 araw na itong nakalibing.

Read also

Andrea Brillantes, binigyan ni Whamos Cruz ng Rolex bilang birthday gift

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang umani ng reaksiyon sa netizens ang pagpaslang sa asong si Killua na isang Golden Retiever. Marami ang nagalit nang makita ang video ng pagpaslang at paghabol sa naturang aso na naganap sa Camarines Sur. Maging ang mga kilalang personalidad ay nanawagan ng hustisya para sa pinaslang na aso.

Matatandaang inihayag ni Sarah Geronimo ang kanyang saloobin kaugnay sa pagpaslang sa asong si Killua. Bilang isang fur parent, kabilang siya sa mga personalidad na nanindigang dapat mapanagot ang pumaslang sa aso. Ani Sarah, panahon na para manindigan laban sa animal cruelty. Matatandaang nag-viral sa social media ang post ng amo ng naturang aso kaugnay sa pagpaslang sa kanya ng isang lalaki.

Pinalagan naman ni Andrea Brillantes ang mga komento ng ibang tao na sabi ay "sana mga asong kalye na lang" ang pinaslang. Inihayag niya ang kanyang saloobin at kung paano siya mag-adopt ng mga aso na kanyang nare-rescue. Kasunod ito ng pagpapalabas ng pahayg ng pumaslang kay Killua na nagsabing ginawa lang niya ang tama. Inalmahan niya ang komentong sana ay sa asong kalye na lang nangyari iyon at hindi sa may lahi.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate