2 akyat-bahay, nagulat nang magsalita sa CCTV ang homeowner na pinanonood sila

2 akyat-bahay, nagulat nang magsalita sa CCTV ang homeowner na pinanonood sila

- Nagulat ang dalawang nanloob ng bahay sa Naga City nang may magsalita mula sa CCTV

- Iyon pala, nanonood ang may-ari ng bahay habang abala sila sa panloloob sa bahay nito

- Tila napatulala pa ang isa sa dalawang lalaki bago niya maisip na ang may-ari na ng bahay ang nagsasalita

- Ayon sa barangay, malaki ang posibilidad na dayo sa lugar ang mga lalaki

Dalawang lalaki ang nasapul ng CCTV na nanloob sa isang tahanan sa Naga City.

2 akyat-bahay, nagulat nang magsalita sa CCTV ang homeowner na pinanonood sila
Ang isa sa mga lalaking nanloob ng bahay sa Naga City (GMA News/ Balitang Bicolandia; Mahens Camaya Quiba/ Alden Camaya)
Source: Youtube

Laking gulat ng mga ito nang marinig ang isang boses mula sa CCTV ng niloobang bahay.

Sa video na naibahagi rin ng GMA News, makikita kung paano nakapasok sa bahay ang dalawa.

Nakuha pa nitong patayin ang ilaw sa pag-aakalang hindi sila makikita sa kanilang ginagawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

JK Labajo, umani ng papuri sa pag-aalala nito sa 2 buwang baby na dinala sa kanyang concert

Hindi nagtagal, napalingon ang isa sa kanila nang biglang may nagsalita sa CCTV.

Mapapansin sa video na tila napatulala pa ang lalaki. Iyon pala, pinanonood na sila ng may-ari ng bahay na muling nagsalita upang sila ay sitahin.

Doon tila nahimasmasan ang lalaki na dali-daling tinawag ang kanyang kasama upang sila ay makatakas.

Isa umanong combat engineer ng militar sa USA ang boses sa CCTV, at nagawang ma-access ito sa pamamagitan ng internet.

Ayon naman sa nakatira sa bahay, sira ang lock ng kanyang tirahan na pinaniniwalaang ginawa ng dalawang lalaki upang sila ay makapanloob. Bigo namang makatangay ng anumang gamit ang dalawa.

Agad namang nai-report sa barangay ang pangyayari na mas lalong pinaiigting ang seguridad sa kanilang lugar. Pinaniniwalaan nilang hindi taga-roon ang mga lalaki.

Narito ang kabuuan ng video:

Sa Maynila, matatandaang isa umanong magnanakaw ang nahuli matapos na mag-ala Jackie Chan sa pagsipa ang isa sa mga rumespondeng residente. Mismong ang barangay captain ang nagdesisyong ibahagi ang CCTV video ng pangyayari upang bigyang puri ang ginawang pagresponde ng residente.

Read also

Vice Ganda, muling nagbahagi ng meme tungkol sa mga taong naninira

Samantala, minsan na ring nag-viral ang isa umanong lalaking nakapagnakaw ng halagang Php300,000 sa isang tahanan. Ang malala pa nito, nagawa pa niyang makikain sa naturang bahay matapos na mapansin ng may-ari na nawala na ang pagkaing iniwan nila sa hapagkainan. Walang CCTV sa loob ng tahanan kaya naman hindi nila nakita ang salarin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel