Pura Luka Vega, pansamantalang nakalaya matapos makapagpiyansa ng P360,000

Pura Luka Vega, pansamantalang nakalaya matapos makapagpiyansa ng P360,000

- Nakalaya na si Pura Luka Vega matapos niyang makapagpiyansa ng P360,000

- Matapos niyang makalaya ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin at pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanya

- Pinasalamatan niya ang mga drag sisters niya na aniya ay tumulong sa kanyang pangpiyansa

- Aniya, pinagpapasalamat niya ang suporta at pagtatanggol sa kanya

Naglabas ng pahayag si Pura Luka Vega kasunod ng kanyang pansamantalang paglaya matapos niyang makapagpiyansa. Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang mga drag sisters niya na aniya ay tumulong sa kanyang pangpiyansa.

Pura Luka Vega, pansamantalang nakalaya matapos makapagpiyansa ng P360,000
Pura Luka Vega, pansamantalang nakalaya matapos makapagpiyansa ng P360,000
Source: Instagram

Aniya, napakinggan niya ang mga kwento ng kanyang mga kaselda at mas nakilala niya ang mga ito.

I was released on bail today. Honestly, I got to learn more about my cellmates and their stories and much more.

Sa kabila ng nangyari aniya ay tuloy pa rin ang laban.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Sarah Lahbati, diretsahang inamin na single na sila ni Richard Gutierrez

Tuloy pa rin ang laban, tuloy pa rin ang buhay. Lubos ang pasasalamat ko sa mga tumulong saken sa bail ko. To my drag sisters na walang sawang tumulong saken at nag-organize ng fund raising for legal fees, maraming maraming salamat sa inyo. Salamat @brianblack

Aniya, pinagpapasalamat niya ang suporta at pagtatanggol sa kanya.

More importantly, I am grateful for those who have supported and defended me. There can be a hundred people in the room, and 99 don’t believe in you, but one does. Masaya na ako doon.

Si Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagenteay ay isang Filipino drag performer. Matatandaang noong 2023 ay nag-viral at umani ng mga komento ang drag performance niya kung saan nakasuot siya ng costume bilang si Jesus Christ habang kinakanta ang remix version ng awiting Ama Namin.

Matatandaang nahingan ng pahayag si Pura Luka Vega matapos na siya ay maaresto at makulong sa Maynila noong 2023. Ito ay kaugnay pa rin ng patong-patong na reklamo sa kanya sa paggaya umano sa imahe ng Poong Nazareno. Bukod sa Maynila, kinakaharap din niya ang parehong reklamo sa Quezon City. Matatandaang naglikom pa umano ang kampo ni Pura ng donasyon para sa kinakaharap na kaso.

Read also

Sarah Lahbati: "In reality I'm very proud to say that I'm good at saving, I'm good at finances"

Kamakailan ay naglabas ng kanyang saloobin si Pura Luka Vega kaugnay sa balitang may lumabas na arrest order kay Toni Fowler. Ito ay kaugnay sa kasong isinampa ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas. Kinuwestiyon ni Pura ang aksiyong ito para sa mga taong aniya ay naghahayag lamang ng kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang sining. Dagdag pa niya, kagaya ng sinabi niya noon, pwede namang huwag panoorin kung hindi gusto ang mga content nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate