Anthony Leodones, binahagi ang audio clip ng huling pag-uusap nila ni Jamie Bautista

Anthony Leodones, binahagi ang audio clip ng huling pag-uusap nila ni Jamie Bautista

- Nagsalita na rin si Anthony Leodones kaugnay sa paghihiwalay nila ni Jamie Bautista

- Aniya, inaako niya ang naging kasalanan niya noon kay Jamie kaya sinubukan niyang gawin ang makakaya niya para makabawi sa asawa

- Gayunpaman, naiintindihan din daw niya si Jamie at hiling niya na magheal ito at kaya na niyang mahalin uli si Anthony

- Kasalukuyan daw nasa Japan si Anthony samantalang kasama naman ni Jamie ang kanyang pamilya sa Pilipinas

Naglabas na rin ng kanyang statement si Anthony Leodones kasunod ng statement na nilabas ni Jamie Bautista kaugnay sa kanilang paghihiwalay. Binahagi niya ang kanilang huling naging pag-uusap.

Anthony Leodones, binahagi ang audio clip ng huling pag-uusap nila ni Jamie Bautista
Anthony Leodones, binahagi ang audio clip ng huling pag-uusap nila ni Jamie Bautista
Source: Facebook

Aniya, naghiwalay sila na hindi magkagalit kaya maayos ang kanilang pag-uusap. Maririnig sa video clip na naiyak si Anthony habang nag-uusap sila. Nagbibilin pa ito kay Jamie na mag-iingat ito.

Aniya, inaako niya ang naging kasalanan niya noon kay Jamie kaya sinubukan niyang gawin ang makakaya niya para makabawi sa asawa. Gayunpaman, kailangan daw nila mag-heal parehas kaya napagpasyahan nilang maghiwalay.

Read also

Jamie Bautista, nilinaw na walang 3rd party sa paghihiwalay nila ni Anthony Leodones

Sinigurado naman ni Anthony na hihintayin niya si Jamie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sina Anthony Leodones at Jamie Bautista ay kabilang sa mga content creator na mayroong maraming followers at subscribers sa social media. Kinaaliwan sila sa kanilang mga spoof sa mga viral na mga videos sa social media. Si Anthony ay isa sa malalapit na kaibigan ng vlogger na si Toni Fowler.

Matatandaang binahagi nina Anthony at Jamie ang ilan sa mga pinagdaanan nila sa isa sa kanilang vlog. Naikwento ni Anthony ang tungkol sa pag-amin niya ng kanyang kasalanan na kanyang nagawa noong 2017 pa. Taong 2021 lamang niya umano inamin ang kanyang pagkakamali ngunit gusto niya umamin sa mga taong mahalaga kay Jamie. Naging emosyonal ito dahil sa kabila umano ng kanyang pag-amin ng pagkakamali niya ay pinili ni Jamie na huwag siyang masira sa mga tao.

Read also

Jamie Bautista, kinumpirmang hiwalay na sila ni Anthony Leodones

Inihayag naman ni Toni ang kanyang kasiyahan na makitang magkasundo ang kanyang bestfriend na si Anthony at ang boyfriend niyang si Vince Flores. Aniya, dati ay palaging naging problema sa kanya dahil hindi magkasundo ang kanyang karelasyon at kaibigan. Hanggang sa dumating umano sa kanya ang tamang tao na may purong pagmamahal at malinis ang intensiyon sa kanya. Sa unang pagkakataon ay masaya umano siyang hindi na niya kailangang mamili sa kaibigan at karelasyon dahil magkasundo sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel