Christian 'Xian' Gaza, nag-propose na sa kanyang girlfriend

Christian 'Xian' Gaza, nag-propose na sa kanyang girlfriend

- Isinapubliko ni Xian Gaza ang pictures ng kanyang pag-propose sa kanyang girlfriend

- Makikita sa kanyang post ang pictures ng kanyang pagluhod at ang isa naman ay suot na ng kanyang girlfriend ang singsing

- Sinagot naman niya ang tanong kung magpapakasal na daw ba sila kaagad

- Ayon kay Xian ay maghihintay muna sila ng 1-2 taon nang magkasama para makasigurado daw silang compatible sila sa isa't-isa

Engaged na si Xian Gaza at ang kanyang girlfriend. Binahagi ni Xian ang pictures ng kanyang pagpropose sa kasintahan.

Christian 'Xian' Gaza, nag-propose na sa kanyang girlfriend
Christian 'Xian' Gaza, nag-propose na sa kanyang girlfriend
Source: Facebook

Nang matanong naman kung magpapakasal na daw ba sila kaagad, sinabi ni Xian na maghihintay muna sila ng 1-2 taon para masiguradong compatible sila sa isa't-isa.

Mag-wait muna po siguro kami ng 1-2 years of living together para makita namin kung talagang compatible kami para sa isa't-isa dahil ang kasal ay hindi birong desisyon. Mahirap maging impulsive. Basta ang importante ay engaged na kami ngayon and we will make this relationship work hanggang sa altar. Sure na ko sa kanya.

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Read also

Bea Alonzo, pinagtanggol ng PA sa basher: "May mas kikitid pa ba sa utak mo?"

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel