Bea Alonzo, pinagtanggol ng PA sa basher: "May mas kikitid pa ba sa utak mo?"

Bea Alonzo, pinagtanggol ng PA sa basher: "May mas kikitid pa ba sa utak mo?"

- Pinagtanggol ng PA ni Bea Alonzo ang aktres matapos sabihin ng isang basher na parang familiar daw ang video

- Nagtanong pa ito kung sino daw ang scriptwriter ng naturang video na binahagi ng mismong PA ni Bea

- Sagot niya, kung scripted ang naturang video eh di sana maganda ang kalidad ng kanilang video

- Umani ng suporta mula sa netizens ang video na ito kung saan naiyak si Bea sa pagsorpresa sa kanya ng staff niya

Inalmahan ng PA ni Bea Alonzo ang komento ng isang basher kaugnay sa video kung saan naiyak si Bea sa sorpresa ng kanyang staff. Nagtanong ang naturang netizen kung sino daw ang scriptwriter nila.

Bea Alonzo, pinagtanggol ng PA sa basher: "May mas kikitid pa ba sa utak mo?"
Bea Alonzo, pinagtanggol ng PA sa basher: "May mas kikitid pa ba sa utak mo?"
Source: Instagram

Hindi napigilan ng PA ni Bea na sagutin ito. Aniya, kung scripted ang video na ito eh di sana daw ay maganda ang kalidad nito. Bukod kasi sa malabo ay magalaw din ang pagkakakuha sa naturang video.

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

May mas kikitid pa ba sa utak mo??? Isipin mong scripted yan! Sana maganda video namin kung scripted yan!!! G*nggong ka!
Bea Alonzo, pinagtanggol ng PA sa basher: "May mas kikitid pa ba sa utak mo?"
Bea Alonzo, pinagtanggol ng PA sa basher: "May mas kikitid pa ba sa utak mo?"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng suporta mula sa netizens ang video na ito kung saan naiyak si Bea sa pagsorpresa sa kanya ng staff niya.

Mapapanuod ang video dito:

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Read also

Chito sa Toronto gig ng PNE: "'Yung nagco-concert ka ta's kailangan mo ring magpakatatay"

Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen tungkol sa opinyon niya matapos ang kumpirmasyon sa hiwalayang Bea at Dominic Roque. Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain. Dagdag pa nito, kahit gaano kayaman ang tao kung may 'something' daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki. Sagot naman ni Beatriz ay wala namang something sa character ng kaibigan niyang si Bea.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel