Panunuyo ng BF sa nagtampong GF gamit ang tarpaulin, kinagiliwan online

Panunuyo ng BF sa nagtampong GF gamit ang tarpaulin, kinagiliwan online

- Viral ngayon ang tarpaulin ng isang lalaking nanunuyo sa kanyang nobya

- Aniya, nagtatampo raw ito sa kanya at nataong 2nd monthsary na rin nila

- Sa isang panayam, naikwento nitong natuwa naman ang nobya sa naisip niyang paraan para suyuin ito

- Umani ito ng samu't saring reaksyon online at umabot sa 37,000 positive reactions ang naturang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinagiliwan online ang post ni Chester Dela Rea Jr. kung saan makikita ang tarpaulin na pinagawa niya sa kanyang nobyang si Eunita Jean Barcelona.

Panunuyo ng BF sa nagtampong GF gamit ang tarpaulin, kinagiliwan online
Panunuyo ng BF sa nagtampong GF gamit ang tarpaulin, kinagiliwan online (Chester dela Rea Jr.)
Source: Facebook

Aakalaing pagbati sa pagtatapos ang naturang tarpaulin subalit iyon ay bilang panunuyo umano ni Chester sa nagtampong nobya.

"Wag ka na magalit Eunita Jean Puspos Barcelona ayan pina tarpaulin na kita Happy 2nd Monthsary!!!" ang caption ng naturang post.

Samantala, sa panayam ng Pilipino Star Ngayon Digital kay Chester, naikwento nitong natuwa nang husto si Eunita sa naisip niyang panunuyo rito.

Read also

Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dati raw ay sa mga fictional characters lamang ito kinilig at unang beses pa lamang sa 'non-fictional' at sa kanya na ito bilang boyfriend pa mismo ni Eunita.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Napakatamis naman nito. Mai-tag nga rin jowa ko"
"Ibang level ang sweetness... Tanggal tampo agad"
"Mai-tag nga jowa ko tapos magtatampo rin ako"
"Pano nalang po kung anniversary niyo na? Mas matinding pasabog na talaga"

Kamakailan ay nag-viral din ang post ng isang anim na taong gulang na batang nagagawang i-text pa rin ang kanyang inang sumakabilang buhay na. Tatlong taon na umano ang nakalilipas nang pumanaw ang ina subalit naiisipan pa rin ng anak na padalhan ng mensahe ang ina sa pagbabakasakaling sasagot umano ito.

Samantala, tulad ng kwento nina Chester at Eunita, nagpakilig din sa marami ang love story ng dating muse at escort lamang noong sila'y nasa daycare pa lamang. 13 taon silang hindi nagkita. Tila tadhanang magkrus muli ang kanilang landas gayung naging magkasintahan sila sa loob ng pitong taon at nauwi sa kasalan ang kanilang pagmamahalan. Mabilis ding nag-viral ang kanilang kwento na inspirasyon ang hatid sa marami lalo na iyong hindi pa umano nahahanap ang taong nakalaan sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel