Lalaking nanakawan ng cellphone, naagaw ang susi ng motor ng snatcher

Lalaking nanakawan ng cellphone, naagaw ang susi ng motor ng snatcher

- Kinaaliwan ang video na ibinahagi ng Facebook account ni PCol Jaime Santos ng Las Piñas City Police Station

- Isang lalaking nanakawan ng cellphone ang dumulog sa kanilang estasyon dahil nanakawan siya ng cellphone sa Alabang, Zapote road

- Nagkakahalaga raw ng 10,000 ang kanyang cellphone at naagaw niya ang susi ng motor kaya nasa kanya ang motor ng suspek

- Ayon kay PCol Santos, kaya sila nag-live para makita ng mga tao na nagkakatotoo ang ilang pangyayari na nakikita sa TikTok

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natawa si PCol Jaime Santos ng Las Piñas City Police Station habang ibinabahagi niya sa live video ang pagdulog ng isang lalaki na biktima ng cellphone snatching. Nakipambuno raw ito sa snatcher kaya natangay niya rin ang motor ng snatcher nang makuha niya ang susi ng motor.

Read also

Alex Gonzaga at Mikee Morada, sina Ellie at Carl ng pelikulang 'Up' ang Halloween costume

Lalaking nanakawan ng cellphone, naagaw ang susi ng motor ng snatcher
Lalaking nanakawan ng cellphone, naagaw ang susi ng motor ng snatcher
Source: Facebook

Ang lalaking nagpakilalang si Mark Zapata ay dumulog sa Las Piñas City Police Station para i-report ang snatching. Kwento niya, alas siyete nang umaga nang maagaw ang cellphone sa Alabang, Zapote road.

Ayon kay PCol Santos, kaya sila nag-live para makita ng mga tao na nagkakatotoo ang ilang pangyayari na nakikita sa TikTok.

Marami naman ang naaliw sa video na ito. Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaka galing ng swap smooth transactions hahaha
Hahahahahha pambihira nga po yan sir, yung prank sa TIKTOK naging totoo na nangyare
Ang galing nman nya po. Ginaya nya yung sa tiktok. Buti nlang marunong xa mag motor.

Matatandaang maging si Alex Gonzaga ay nabiktima ng snatching. Ibinahagi ni Alex sa social media ang tungkol sa pagkahablot ng kanyang cellphone sa EDSA. Gayunpaman, sa tulong ng kapulisan ay nakuha at nabawi niya ang kanyang cellphone mula sa snatcher. Bukod sa mga pulis, pinasalamatan din ni Alex ang kanyang driver na hinabol umano ang mga snatchers. Ayon pa kay Alex, maging ang ilang mga motorista ay tumulong umano na habulin ang mga snatchers.

Read also

Andre Yllana kay Andrea Brillantes: "Mag-iingat ka palagi kung hindi ako mag-iingat sa'yo"

Samantala, viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay. Malaking bahagi ng pagbabago ay ang kanyang anak gayung nais niyang maging mabuting ehemplo sa mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate