Drag artist na si Pura Luka Vega, nakapagpiyansa at nakalaya na

Drag artist na si Pura Luka Vega, nakapagpiyansa at nakalaya na

- Nakalaya na ang drag artist na si Pura Luka Vega ngayong Oktubre 7

- Nakalikom na ito ng sapat na halagang pampiyansa dahilan para ito'y tuluyan nang makalaya

- Si Pura Luka Vega ay naharap sa kabi-kabilang reklamo matapos ang makailang beses na panggagaya sa imahe ng Poong Nazareno

- Bukod sa Maynila, sinasabing nahaharap din sa parehong kaso si Pura Luka Vega sa Quezon City

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) station 3 na laya na ang drag artist na si Amadeus Fernando Pagente o mas kilala bilang si Pura Luka Vega ngayong Sabado, Oktube 7.

Drag artist na si Pura Luka Vega, nakapagpiyansa at nakalaya na
Amadeus Fernando Pagente na mas kilala bilang si Pura Luka Vega (@puralukavega)
Source: Instagram

Ito ay makalipas ang tatlong araw mula nang siya ay maaresto sa kanya mismong tahanan sa Sta. Cruz, Manila dahil sa paglabag sa immoral doctrines obscene publications and exhibitions, and indecent shows.

Read also

Bea at Dominic, may successful na married life ang kukunin umanong ninong at ninang

Ang naturang pag-aresto ay dahil sa hindi niya umano pagdalo sa hearing sa kasong isinampa ng grupong Hijos Del Nazareno (HDN) Central.

Php72,000 ang piyansang nilikom ng mga grupong tumulong kay Pura Luka upang siya'y tuluyan nang makalaya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang hanggang sa kanyang pagkakaaesto ay nanindigan pa rin umano si Pura na wala umanong mali sa kanyang nagawa.

Narito ang larawang naibahagi ng ABS-CBN News ukol sa paglaya ni Pura.

Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.

Inalmahan ito ng maraming kilalang personalidad kabilang na ang mga miyembro ng LGBT community na tila nadadamay sa gawaing ito ng drag artist. Gayunpaman, patuloy ang pagpapaliwanag ni Pura na wala umano siyang nakikitang mali sa kanyang nagagawang paggaya sa imahe ni Kristo. Paliwanag niya, karapatan din ng mga taong humuhusga umano sa kanya ang nagiging pahayag nito laban sa kanya.

Read also

Pura Luka Vega sa kanyang pagkakaaresto sa Maynila: "I'm still processing it"

Sa kabila ng mga pambabatikos na ito, patuloy pa rin ginagaya ni Pura ang imahe ng Poong Nazareno. Isa sa mga pinakabagong video na ginawa nito ay ang pag-rate sa ostya o banal na tinapay ng mga Katoliko. Habang ginagawa ito, nakadamit pa rin siya ng imahe ni Kristo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica