Bea at Dominic, may successful na married life ang kukunin umanong ninong at ninang

Bea at Dominic, may successful na married life ang kukunin umanong ninong at ninang

- Nabalitaan ni Ogie Diaz ang umano'y paghahanda nina Bea Alonzo at Dominic Roque para sa kanilang kasal

- Bukod sa posibilidad maganap ito sa susunod na taon, napag-alaman umano niyang apat na pares ng ninong at ninang ang kukunin ng mga ito

- Matatandaang minsan nang naikwento ni Bea ang tungkol sa laging pagluha ni Dominic, tuwing mapapanonood ang proposal video nila

- Samantala, naikwento rin niyang minsan siyang hindi naniwala sa pagpapakasal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang tungkol sa ilang detalye ng pagpapakasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Bea at Dominic, may successful na married life ang kukunin umanong ninong at ninang
Bea Alonzo and Dominic Roque (@beaalonzo)
Source: Instagram

Aniya, tulad din ng napapabalita, sa susunod na taon na raw ito gaganapin.

Isa sa importanteng detalye na nakuha ni Ogie ay tungkol sa mga kukuning ninong at ninang nina Bea at Dominic.

Read also

Cristy Fermin, nilinaw na wala umano siyang galit kay Vice Ganda

"Uy, pinag-uusapan na nina Bea Alonzo at Dominic Roque, alam niyo ang pinag-uusapan nila? Nakakaloka! 'yung kasal nila. At ang nasabi nga sa akin ni Dominic na four pairs ng ninong at ninang," ani Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"At ang kukunin nila ay successful ang marriage or ang married life. Para raw maging gabay nila ang mga ninong at ninang nila. Parang yun daw ang magbibigkis lalo sa kanilang pagsasama ng mga successful ang marriage," dagdag pa niya

Ito ay dahil sa maari umano nilang malapitan ang mga kukuning ninong at ninang na matagumpay ang buhay may asawa sakaling sila ay magkaroon ng problema sa hinaharap.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie ukol umano sa ilang detalye ng kasal nina Bea ay Dominic:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Gerald Anderson, natanong tungkol sa kasalan: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon"

Samantala, July 18 nang kasalukuyang taon nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Matatandaang naikwento rin ni Bea ang minsang hindi niya umano paniniwala sa kasal. Subalit tila taliwas na ito sa mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay pag-ibig lalo na at pinaghahandaan na nila ni Dominic ang sarili nilang kasalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel