Online seller, na-holdap habang nasa live selling; suspek, umano'y kapitbahay niya

Online seller, na-holdap habang nasa live selling; suspek, umano'y kapitbahay niya

- Kuha sa akto ang panghoholdap sa isang online seller sa Laguna

- Habang nagla-live selling ang biktima, makikitang pumasok ang isang lalaking naka-helmet at pilit silang pinadadapa

- Tinatayang nasa Php100,000 ang halaga ng nakuha ng mga suspek na ang isa ay kapitbahay ng biktima

- Aniya, nabalitaan umano nila sa ama ng biktima na may Php3 million itong nakatago sa kanilang tahanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kitang-kita kung paano naholdap ang isang online seller sa Laguna habang siya ay nasa live selling.

Online seller, na-holdap habang nasa live selling; suspek, umano'y kapitbahay niya
Ang online seller na si Agnes Serafica (A&A Clothing Apparel/ GMA Integrated News)
Source: Youtube

Ala una ng hapon noong Setyembre 12 nang pasukin ng isang lalaking naka-helmet ang pwesto ng biktimang nakilalang si Agnes Serafica.

Kasalukuyan ito noong nagla-live selling at makikita pa ang pagpasok ng suspek na pilit itinaob ang cellphone ni Agnes.

Maririnig sa naturang video na pilit na pinadadapa ang biktima at pinatatanggal ang mga suot nitong alahas. Tinatayang nasa Php100,000 ang halaga ng mga natangay ng suspek na kalauna'y sumuko sa pulisya.

Read also

Cristy, naikwentong puring-puri umano si KC Concepcion ng mga Pinoy sa UK

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napag-alaman na isa sa mga ito ay kapitbahay ng biktima na nagkaroon umano ng interes sa pangho-holdap sa pag-aakalang may Php3 milyong piso na nakatago sa tahanan nito.

Nakakakwentuhan kasi umano ng naturang suspek ang ama ng biktima na siyang nakapagsabi ng halaga ng pera.

Sasampahan ng kaukulang reklamo ang mga suspek. Narito ang kabuuang detalye mula sa GMA Integrated News, Regional TV:

Pumatok ang online business sa kasagsagan ng pandemya noong 2020. Dahil sa lockdown o community quarantine kung saan limitado ang paglabas ng tao, online selling ang isa sa mga negosyong bumuhay sa karamihan sa atin nang mga panahong iyon.

Isa na rito si Madam Inutz na bagama't may kakaibang istilo ng pabebenta online ay patuloy na tinangkilik ng mga nanonood at namimili sa kanya. Dahil sa kakaiba niyang 'shoutout' sa mga viewers, naging daan ito upang makilala siya at pasukin ang mundo ng showbiz. Katunayan, nakapasok pa umano siya sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother kung saan mas lalo siyang hinangaan ng mga tao nang mas lalo siyang nakilala ng mga ito.

Read also

Yeng, naikwentong siya ang nagsulat ng ilang sumikat na kanta ng kapwa artist

Sa ngayon, aktibo pa rin si Madam Inutz sa online selling business niya na mas marami na ang kanyang produkto lalo na at nagabayan siya umano nang husto ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica