Anak, pinagtanggol ang nanay niyang street sweeper na kinahiya ng gf niya

Anak, pinagtanggol ang nanay niyang street sweeper na kinahiya ng gf niya

- Ibinida ng isang anak ang kanyang nanay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng video nito sa social media

- Naibahagi niya ang video ng kanyang ina na isang street sweeper

- Gayunpaman, isang taong malapit sa kanya ang nagsabing may inaalagaan daw siyang imahe at naapektuhan sa kanyang post

- Paalala niya, kahit anong mangyari, huwag hahayaan ang sinumang maliitin ang suporta at paghihirap ng kanilang magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ng Facebook user na si Andry Valiao ang video ng kanyang inang isang street cleaner. Pinagmamalaki niya ang sakiripisyo ng kanyang ina para sa kanila. Gayunpaman, ikinalungkot niyang mismong ang taong minamahal niya ang nagsabing napahiya siya dahil sa post na ito ni Andry.

Anak, pinagtanggol ang nanay niyang street sweeper na kinahiya ng gf niya
Anak, pinagtanggol ang nanay niyang street sweeper na kinahiya ng gf niya (Andry Valiao/Facebook)
Source: Facebook

Viral ngayon ang post ng isang anak na ibinida ang sakripisyo ng kanyang inang nagtatrabaho bilang isang street cleaner.

Read also

Yeng, napahagulhol nang alalahanin ang sakripisyo ng ina: "Lahat ng trabaho pinasok 'nun"

Ikinalungkot ni Andry Valiao na makatanggap ng mensahe mula sa kanyang girlfriend tungkol sa kanyang post. Ayon sa message nito may inaalagaan daw siyang image kaya hindi niya nagustuhan ang post ng kanyang boyfriend.

Inihingi niya ng tawad sa kanyang ina na wala siyang nagawa dahil aniya ay nabulagan siya dahil sa pag-ibig. Paalala pa niya, huwag hahayaang mabale-wala ang sakripisyo ng mga magulang.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

I'm very sorry, mama. I should have taken action as soon as I became aware of the issue at hand, but I was blinded by love, and I didn't know how fortunate I am to have you as my mother. Don't let anyone, not even the important person in your life, makes fun of everything your mother sacrificed to support you.

Pinasalamatan din niya ang kanyang ina sa lahat sakripisyo nito.

Read also

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang rest house sa Tagaytay

I wanted to protect you from those who would undermine your efforts and make you feel ashamed of who you are and how we live. I wasn't expecting that individuals I loved and trusted the most—those who can support us and lift us up in our trying times—would be the ones to be ashamed of you because of their "IMAGE."

Marami sa mga kwento ng buhay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga magulang at ng mga magulang sa kanilang mga anak ang talaga namang umantig sa karamihan.

Matatandaang umatig sa puso ng marami ang viral video ng senior high school student na bitbit ang larawan ng mga magulang sa kanyang graduation. Ulila na sa ama't ina ang estudyante subalit nagawan niya ng paraan na makasama pa rin ang alaala ng mga magulang. Gayunpaman, determinado ang estudyanteng ito ipagpatuloy ang pagkokolehiyo at maging isang ganap na abogado balang araw. Aminadong mahirap, patuloy pa rin daw niyang nalalampasan ang mga pagsubok sa kanyang buhay.

Read also

Kiko Matos, napaso: "Hindi kasing sakit na mawalan ng Facebook page"

Nag-viral din ang video ng isang amang magsasaka na nakapagpatapos ng kanyang anak sa kolehiyo. Nag-viral ang naturang video na umani rin ng papuri mula sa mga netizens. Makikita kung gaano ka-proud ang ama sa anak na nakatapos ng Bachelor of Arts in History. Tunay na inspirasyon ang hatid ng naturang video na hatid ay pag-asa at patunay na tagumpay ang kinakaharap ng isang taong may pagtitiyaga at determinasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate