Yeng, napahagulhol nang alalahanin ang sakripisyo ng ina: "Lahat ng trabaho pinasok 'nun"

Yeng, napahagulhol nang alalahanin ang sakripisyo ng ina: "Lahat ng trabaho pinasok 'nun"

- Hindi napigilan ni Yeng Constantino ang maiyak at mapahagulhol nang alalahanin ang mga sakripsyo ng kanyang yumaong ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Yeng na lahat ng trabahong maaring pasukin ay nagawa ng ina

- Aniya, labis niyang pinagpapahalagahan ang mga pagsusumikap na ito ng kanyang mga magulang

- Kaya naman sa pagkakataong siya naman ang magkakaroon ng supling, pinaghahandaan talaga umano ito ni Yeng at kanyang mister

Labis na naging emosyonal si Yeng Constantino nang alalahanin nito ang mga sakripisyong ginawa ng kanyang yumaong ina para sa kanilang pamilya noon.

Yeng, napahagulhol nang alalahanin ang sakripisyo ng ina: "Lahat ng trabaho pinasok 'nun"
Yengc Constantino
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nanay ko, lahat ng trabaho pinasok 'nun. Kahit maging labandera, magsulong ng bilao para magtinda ng isda, gulay, lahat. Numipis na nga buhok ng mama ko kasi nagtitinda rin siya ng merienda sa hapon, mainit..."

Read also

Yeng, inaming takot bumalik sa nakaraan: "Siguro traumatic po talaga 'yung childhood ko"

"Ayokong maranasan ng anak ko 'yung ganun. Kasi ginagawa lang din ng magulang yung best nila para mag-survive"

Gayunpaman, nilinaw ni Yeng na labis niya umanong pinahahalagahan ang mga sakripisyong ito ng kanyang mga magulang para sa kanilang magkakapatid.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

Matatandaang noong nakaraang taon, marami ang nagulat sa hindi inaasahang rebelasyon ni Yeng Constantino at Ryan Bang.Naudlot umano ang kanilang ligawan nang bigla na lang hindi nagparamdam si Ryan na dati'y mahilig magpadala ng kape kay Yeng.

Read also

Anak, pinagtanggol ang nanay niyang street sweeper na kinahiya ng gf niya

Ngayon, muli na namang napakikinggan ang awitin ni Yeng na 'Chinito' nang maging TikTok dance challenge ito na may makulit na steps. Ipinagpasalamat ito ni Yeng na pabirong sinabing dumami ang mga bookings niya ng show dahil dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel