Dating pulis na sangkot sa road rage: "Biktima rin ako rito eh"

Dating pulis na sangkot sa road rage: "Biktima rin ako rito eh"

- Ayon kay Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nasangkot sa road rage, biktima lang din siya sa mga pangyayari

- Aniya, bukod sa nawalan siya ng trabaho, nadamay din daw ang kanyang pamilya

- Dagdag pa niya, hindi naman magiging ganoon ang kanyang reaksiyon kung hindi sinuntok ang kotse niya

- Maari daw napagpasensiyahan niya pa ang bangga sa bumper ng sasakyan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales sa Senate panel hearing ngayong Martes na biktima lang din siya sa pangyayaring road rage na nag-viral sa social media. Humarap sa senado si Gonzales pati na rin ang siklistang si Allan Bandiola.

Dating pulis na sangkot sa road rage: "Biktima rin ako rito eh"
Dating pulis na sangkot sa road rage: "Biktima rin ako rito eh"
Source: Youtube

Ani Gonzales, maaring napalampas niya pa yung bangga sa bumper ng kanyang sasakyan pero sinuntok daw ng siklista ang kanyang kotse.

Read also

Mayor Niña Jose, umalma sa komento sa kanya: "No one has any right to degrade me"

Biktima rin ako rito eh. Nawalan ako ng trabaho. Na-ano ako sa social media, mga anak ako, pamilya ko, na kung hindi naman sinuntok yung kotse ko. Siguro yung bangga lang sa bumper ko pagpapasensyahan ko na,"

Dagdag pa niya dipensa lang sa kanyang sarili ang ginawa niyang pagkasa ng baril.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang intensyon ko po nun, bumunot ako at kumasa ng baril dahil pasugod po siya sa akin. Kahit i-review po natin yung ano […] dinepensa ko lang po yung sarili ko at 45 degrees lang po"

Ang naturang pangyayari ay naganap noong August 8 sa kasalukuyang taon ayon na rin sa mga taong sangkot. Gayunpaman, nag-viral ito nang maibahagi sa social media ng isang tao na kumuha ng video.

Matatandaang sumuko na ang car driver na umano'y nanakit at naglabas pa ng baril sa isang siklista. Makikitang tila nagkagitgitan ang dalawa dahilan para umano uminit ang ulo ng nagmamaneho ng kotse. Ayon sa naturang motorista, Agosto 8 pa nangyari ang naturang insidente at nagkapatawaran na sila umano ng siklista. Sa kanyang pahayag sa pagsuko sa QCPD, nabanggit nitong iniwan na niya sa pulisya ang dalang baril at kanyang pinag-iisipan kung nararapat pa siyang magdala nang ganoon.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Ayon kay Atty. Raymond Fortun, nagpasya na ang siklista sa viral na video na hindi na siya magsasampa ng kaso. Nangangamba raw siya sa kaligtasan niya at ng kanyang mga mahal sa buhay. Sa post ni Atty. Fortun, nabanggit ng siklista na nagbayad pa siya ng P500 dahil sa sinabing gasgas daw sa sasakyan ng dating pulis. Maging ang vlogger na kumuha ng naturang video ay nakatanggap din daw ng mensahe kaya minabuti nito na burahin na lamang ang kanyang post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate