Atty. Raymond Fortun, pinakita ang isa pang anggulo ng nangyaring road rage
- Ibinahagi ni Atty. Raymond Fortun ang isang pang video na kuha sa naganap na nag-viral na insidente ng pananakit daw ng dating pulis
- Sa naturang video ay makikita nang malayuan ang pangyayari mula nang harangin ng dating pulis ang siklista
- Si Atty. Fortun na isang Bike enthusiast ang nagsampa ng reklamo sa dating pulis kasunod ng pagtanggi ng siklista na magsampa ng kaso
- Nilinaw naman ng siklista na nagkaayos na sila at walang perang involved kaya hindi siya nagkaso
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inilabas ni Atty. Raymond Fortun ang isang video na kuha sa viral na road rage incident na kinasangkutan ng isang dating pulis at siklista. Sa kanyang video na binahagi, makikita ang ibang anggulo ng pangyayari.
Kilala si Atty. Fortun bilang isang bike enthusiast kaya sa kanya inilapit ng isa pang siklista ang naturang video. Dahil nga ayaw na ng gulo ng siklistang sangkot sa naturang video, si Atty. Fortun ang nagsampa ng reklamo laban sa dating pulis.
Sa kanyang binahaging video, makikita nang malayuan ang pangyayari mula nang harangin ng dating pulis ang siklista.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang naturang pangyayari ay naganap noong August 8 sa kasalukuyang taon ayon na rin sa mga taong sangkot. Gayunpaman, nag-viral ito nang maibahagi sa social media ng isang tao na kumuha ng video.
Matatandaang sumuko na ang car driver na umano'y nanakit at naglabas pa ng baril sa isang siklista. Makikitang tila nagkagitgitan ang dalawa dahilan para umano uminit ang ulo ng nagmamaneho ng kotse. Ayon sa naturang motorista, Agosto 8 pa nangyari ang naturang insidente at nagkapatawaran na sila umano ng siklista. Sa kanyang pahayag sa pagsuko sa QCPD, nabanggit nitong iniwan na niya sa pulisya ang dalang baril at kanyang pinag-iisipan kung nararapat pa siyang magdala nang ganoon.
Ayon kay Atty. Raymond Fortun, nagpasya na ang siklista sa viral na video na hindi na siya magsasampa ng kaso. Nangangamba raw siya sa kaligtasan niya at ng kanyang mga mahal sa buhay. Sa post ni Atty. Fortun, nabanggit ng siklista na nagbayad pa siya ng P500 dahil sa sinabing gasgas daw sa sasakyan ng dating pulis. Maging ang vlogger na kumuha ng naturang video ay nakatanggap din daw ng mensahe kaya minabuti nito na burahin na lamang ang kanyang post.
Source: KAMI.com.gh