Pagkasa ng baril ng dating pulis sa viral video, 'di unang beses nangyari base sa imbestigasyon

Pagkasa ng baril ng dating pulis sa viral video, 'di unang beses nangyari base sa imbestigasyon

- Isa umanong dating pulis ang nasa viral video kamakailan na nanakit at nagkasa umano ng baril sa isang siklistang nakaalitan sa kalsada

- Lumabas sa imbestigasyon na pawang ang panunutok ng baril ang dahilan bakit ito na-dismiss sa serbisyo noong 2018

- Sinampahan na rin ito ng reklamo ng kanyang mga kabaro gayung alarm and scandal ang nagawa nito sa nakaalitang siklista

- Agaw-eksena sa social media ang umano'y naaktuhan ng isang netizen na pananakit at pagkakasa ng baril ng umano'y dating pulis sa isang siklista

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dati pala umanong pulis ang lalaking nakilalang si Wilfredo Gonzales sa viral video kung saan agad nanakit at nagkasa ng baril matapos na makaalitan ang isang siklista sa kalsada ng Quezon Avenue.

Pagkasa ng baril ng dating pulis sa viral video, 'di unang beses nangyari base sa imbestigasyon
Dating pulis Wilfredo Gonzales ( GMA Integrated News)
Source: Facebook

Matatandaang umani ng iba't-ibang reaksyon ang video na kuha pa pala umano noong Agosto 8.

Read also

Atty. Raymond Fortun, pinakita ang isa pang anggulo ng nangyaring road rage

Sinampahan na rin ng reklamo ng pulisya si Gonzales na umano'y alarm and scandal ang nagawa.

"Nasa sa harap ng isang tao na nakikita ng maraing tao na nasa Quezon Avenue ay alarm and scandal," ayon kay PBGEN. Nicolas Torre III, direktor ng Quezon City Police District, malinaw.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lumabas din sa imbestigasyon na hindi umano ito ang unang beses na nagawa ni Gonzales ang pagkasa ng baril sa nakakaalitan.

Katunayan, ito pa umano ang dahilan bakit siya nadismiss sa serbisyo noong 2018.

Suspendido na rin ang driver's license niya na maaring maging permanente ang pagbawi ng lisensya.

Narito ang kabuuan ng detalye ng maaring sapitin ni Gonzales mula sa GMA Integrated News YouTube:

Noong nakaraang taon, agaw eksena naman ang umano'y walang awang pagsagasa sa isang traffic enforcer sa Pasig. Sa unang bahagi ng video, makikitang tila pinatatabi na noon ng enforcer ang sasakyan. Subalit sa halip na itabi ito, bahagya na niyang binundol ang enforcer.

Read also

Ogie D sa pag-unfollow umano nina KC at Sen. Kiko sa isa't isa: "sana i-patch up na"

Nang mapahiga ang enforcer dahil sa pagkakabunggo, nagawa pa siyang pagulungan ng driver hanggang sa tuluyang itong makatakas. Maraming netizens ang nais na makilala ang may-ari ng sasakyan upang mabigyan ito ng kaukulang kaparusahan.

Matatandaang noong Mayo 2021, hinangaan naman ang isang traffic enforcer na hindi lumaban sa sinita niyang motorista dahil 'beating the red light' ito. Pumalag ang babae na nagawa pang saktan ang enforcer. Nag-viral pa ang video ng komprontasyong ito na nauwi sa pagkabisto ng umano'y iba pang 'di magandang gawain ng babae na may kaugnayan sa droga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica