80-anyos na lola, 'di na nakakuha ng pensyon dahil inakalang pumanaw na
- Natigil ang pensyon ng 80-anyos na lola sa Maguindanao matapos na akalaing siya ay pumanaw na
- Nasa Php3000 ang nakukuha nito buwanan mula sa pumanaw na anak nitong pulis
- Buhay na buhay pa ang lola na malaking bagay pa rin umano ang nasabing halaga sa pang-araw-araw niyang pangangailangan
- Matapos na maidulog sa tamang tanggapan, makakakuha na muli ito ng pensyon at maibibigay din ang halagang hindi naibigay sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagulat ang kaanak ng 80-ayos na lola sa Maguindanao na si Aisa Aron matapos na matigil na lamang bigla ang pensyon nito.
Sa ulat ng 24 Oras weekend, sinasabing inakala na pumanaw na umano ang lola na buhay na buhay pa naman.
Nakatatanggap ito noon ng Php3000 buwanan na nagagamit niya sa pangaraw-araw na pangangailangan.
Nilinaw naman ng PNP Retirement and benefits administration services, hindi nakalista sa pumanaw ang lola subalit 'unlocated' daw umano ito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ito umano ang nakita nilang dahilan kung bakit hindi na ito ng nakatanggap ng pensyon na mula sa anak na pulis na pumanaw na.
Gayunpaman, sinuguro naman ng nasabing administrasyon na magpapatuloy na ang pensyon ng lola at maibibigay pa ang halagang hindi naibigay sa kanya ng ilang buwan.
Narito ang kabuuan ng ulat mula sa GMA Integrated News:
Matatandaang isa sa mga pumukaw ng atensyon sa kasagsagan ng pandemya sa mga nagdaang taon ay ang kalagayan ng mga matatandang bukod sa mas mapanganib madapuan ng sakit, at may mga namumuhay pang mag-isa.
Ang ilan, nakuha pa rin na maghanapbuhay sa kabila ng panganib na dulot noon ng COVID-19. Ayon sa kanila, mamatay umano sila sa gutom at hindi sa virus kung hindi sila maglako o maghanapbuhay.
Subalit, malaking bagay ang tulong ng mga may mabubuting puso na nakapagbibigay tulong sa kanila. Tulad na lamang ng vlogger na si Techram. Isa sa mga tinutukan niyang tulungan ay ang matandang mag-isang namumuhay at nagtitiis sa bahay niyang may nakasusulasok na amoy. Talagang nabago ang buhay nito matapos na mapaayos ni TechRam ang bahay ng matanda na si Nanay Luz at ipinamili na rin niya ito ng kagamitan. Madalas niyang itong balikan upang kumustahin ang kanyang kalagayan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh