VP Sara, tinanggal ang sariling larawan bilang bahagi ng direktiba ng Deped na 'bare classrooms'
- Mismong si VP Sara Duterte ang nagtanggal ng kanyang larawan sa isang silid-aralan sa Bansalan, Davao del Sur
- Bahagi umano ito ng direktiba ng DepEd sa pagpasok ng panuruang taon 2023-2024 na walang anumang dekorasyon sa mga pader ng classroom sa paaralan
- Maging ang pagkakaroon ng teacher's cabinet sa mga silid ay ipinagbabawal din
- Isang mesa o teacher's table na lamang ang maaring ilagay kada classroom upang maging mas maluwag at maaliwalas ang bawat silid
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa Brigada Eskwela ng Vicente Duterte Elementary School sa Bansalan, Davao del Sur mismong si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang nagtanggal ng sarili niyang larawan sa isang classroom bilang bahagi ng direktiba ng pinamumunuan niyang kagawaran.
Napapaloob umano sa DepEd Order no. 21, series of 2023 na walang anumang dekorasyon sa pader ng mga classroom at mananatiling malinis ito at maaliwalas tingnan.
Nangangahulugan na sa halip na maghanda makukulay na dekorasyon ang mga teachers sa nalalapit na pasukan, nagtatanggal o nagbabaklas sila ng mga posters at iba pang disenyo ng kanilang silid bilang pagsunod sa nasabing DepEd order.
Napapaloob din umano sa nasabing direktiba ang pagbabawal na maglagay ng cabinets ng teacher na nagsisilbi lamang umanong tambakan ng mga kagamitan na nakapagpapasikip lamang sa silid-aralan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Gayundin ang teacher's table na isa sa kada silid na lamang ang maaring ilagay.
"Pinaalahanan ko rin ang ating mga gurö tungkol sa DepEd Order no. 21, series of 2023 o ang Brigada Eskwela Implementing Guidelines na tiyaking malinis at walang mga dekorasyon, tarpaulin o mga posters ang mga silid-aralan upang magkaroon ng focus ang ating mga mag-aaral sa mga leksyonmula sa ating mga gurö," pahayag ni VP Sara sa kanyang post bilang paglilinaw sa naturang DepEd order.
Sa Agosto 29 ang nakatakdang araw ng pagsisimula ng panuruang taong 2023-2024 sa mga pampublikong paaralan. Noong Agosto 14, sinimulang isagawa ng mga teachers at iba pang stakeholders ng bawat paaralan ang Brigada Eskwela na naglalayong maging handa sa pagbubukas muli ng klase.
Matatandaang bago matapos ang school year 2022-2023 ay pansumandaling bumalik sa blended learning ang ilang mga pampublikong paaralan dala ng matinding init sa mga silid-aralan noong summer.
Kaakibat nito ang kabi-kabilang mungkahi ng pagbabalik sa pre-pandemic schedule ng school calendar kung saan Hunyo ang simula ng klase at magtatapos sa Marso o Abril ng sumunod na taon. Ito ay dahil hindi lahat ng mga silid-aralan sa bansa ay air-conditioned at talagang marami umano ang nagkasakit dala ng matinding init sa patuloy na pagkakaroon ng klase kahit na buwan ng tag-init.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh