Pura Luka Vega, sinampahan ng reklamo ng grupong Hijos del Nazareno
- Nagsampa na ng reklamo ang 'Hijos del Nazareno' laban sa drag performer na si Pura Luka Vega
- Ang Hijos del Nazareno ang grupo na umaalalay tuwing nagaganap ang Tranlacion taon-taon
- Ayon sa grupo, galit ang kanila umanong naramdaman sa nagagawa ni Pura na animo'y panggagaya sa imahe ng Poong Nazareno
- Gayunpaman, handa naman daw silang samahan ang drag performer sa Quiapo church sakaling maisipan nitong humingi ng tawad sa kanyang nagagawa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagtungo sa Manila City Hall ang grupong 'Hijos del Nazareno' upang sampahan ng kaukulang reklamo ang drag artist na si Pura Luka Vega.
Ang naturang grupo ay kilala bilang umaasiste sa tuwing gaganapin ang Tranlacion taon-taon sa Maynila.
Isang buwan ang lumipas bago tuluyan na nilang naisipang samapahan ng kaso ang nasabing drag artist na matatandaang makailang beses na ginaya ang imahe ng Poong Nazareno.
"Galit ang nararamdaman namin. Kung hindi kami aaksyon, baka nga kasi pamarisan pa siya. Kaya napagkasunduan na namin na magsampa na ng kaso laban sa kanya," pahayag ni Val Samia, presidente ng Hijos Del Nazareno Central.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Paglabag sa Article 201 (2) ng Revised Penal code ang isa sa mga reklamo kay Pura. Ito ay patungkol sa immoral doctrines, obscene publications, exhibitions and indecent shows. Sinampahan din nila ito ng violation sa cybercrime prevention act dahil ginamit niya ang iba't ibang platform ng social media.
Gayunpaman, nilinaw ng grupo na wala umanong kaugnayan ang kasarian ng drag artist sa mga reklamong isinasampa nila rito at handa umano silang iurong ang kaso sakaling maisipan ni Pura na humingi ng tawad.
"Sasamahan pa ho namin siya sa simabahan ng Quiapo para makausap ang mga pari sa harap mismo ng ating mahal na senor ay humingi ng tawad, ay syempre. Sino naman ho kami para hindi patawarin"
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Frontline Pilipinas, News 5 Everywhere:
Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.
Gumawa ng ingay performance na ito ni Pura dahil sa umano'y paggaya niya kay Jesus Christ at nakadagdag pa sa isyu ay ang pag-awit ng 'Ama Namin' na sagradong dasal para sa mga Katoliko.
Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages. Gayundin si Bataan Rep. Geraldine Roman na bilang kapwa LGBT, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na maaring madamay ang kanilang komunidad.
Sa kabila ng mga pambabatikos na ito, patuloy pa rin ginagaya ni Pura ang imahe ng Poong Nazareno. Isa sa mga pinakabagong video na ginawa nito ay ang pag-rate sa ostya o banal na tinapay ng mga Katoliko. Habang ginagawa ito, nakadamit pa rin niya ng imahe ni Kristo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh